UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Departmento ng Hapones

Ang Departmento ng Hapones ay itinatag noong 1956. Bukod sa mga programang pang-bachelor, ang departamento ay naglunsad din ng Programang Pangmaster para sa Wika’t Panitikang Hapones noong 1986, at ng mga programang pang-PhD noong 1993. Noong 2008, ang departamento ay kinilala ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina bilang pambansang pangunahing programa ng wika’t panitikang Hapones.

Ipinagmamalaki ng departamento ang matatag na faculty nito na binubuo ng 22 full-time na guro na kinabibilangan ng tatlong ganap na propesor, 12 asistenteng propesor at pitong lektiyurer. 17 sa nabanggit na mga guro ay may digring doktoral, at apat naman ang may master’s. Bukod dito, mayroon din itong dalawang dalubhasang Hapones na may pangmatagalang kasunduan at dalawang panauhing propesor na Hapones.

Bawat taon, tumatanggap ang departamento ng 74 na estudyanteng undergraduate, 20 estudyanteng graduate para sa digring pangmaster at apat hanggang lima para sa digring doktoral.

Tumatanggap din ito ng dalawang uri ng estudyanteng undergraduate: ang una ay ang mga estudyanteng baguhan sa wikang Hapones (dalawang klase) at ang pangalawa ay ang mga estudyanteng nakatapos na ng mga kursong pambaguhan ng wikang Hapones sa mataas na paaralan (isang klase).

Pinagtutuunan ng departamento ng pantay-pantay na atensiyon ang pagsasanay sa mga estudyante sa kanilang pundamental na kakayahang pangwika, kanilang kalidad na pantao at kanilang kaalamang propesyonal. Sa ikatlo at ikaapat na taon, nag-aalok din ang departamento ng espesyal na kurso at seminar hinggil sa pulitika, kabuhayan, lipunan, kultura at panitikang Hapones. Bilang karagdagan, hinihimok din nito ang mga estudyante na kumuha ng kursong iniaalok ng Paaralan ng Pandaigdig na Negosyo, Paaralan ng Pandaigdig na Relasyon at Diplomasya, Paaralan ng Batas ng BFSU para sa ikalawang digri.

Pagdating sa pagpapalitang pandaigdig, nakipaglagdaan ang departamento sa mga kasunduan sa Waseda University, Kobe University, Okayama University, Gakushuin University, Rikkyo University, Aoyama Gakuin University, Kansai University, Bunkyo University, Daito Bunka University, Nagoya University of Foreign Studies, Nagasaki Junshin Catholk University, at Kobe Shoin University. Bawat taon, nagpapadala ang departamento ng 26 hanggang 28 estudyanteng undergraduate at graduate para sa pagpapalitan ng mga mag-aaral sa mga unibersidad ng Hapon.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC