UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Paaralan ng Batas

发布时间:2019-05-16

Ang Paaralan ng Batas (School of Law, BFSULAW), na dating kilala bilang Departamento ng Batas ng Paaralan ng Ingles at Pag-aaral na Pandaigdig, ay nagsimulang tumanggap ng estudyante noong 2001, at nabigyan ng kasalukuyang pangalan noong 2006. Sa kasalukuyan, 33 sa 35 ganap na guro ng Paaralan ay nag-aangkin ng digring PhD at 32 sa kanila ang may karanasan sa pag-aaral sa ibayong dagat. Sa kasalukuyan, 228 estudyante ang naka-enroll sa mga programang pang-undergraduate, 105 sa mga programang pang-master at 78 sa mga programang multilingguwal para sa ikalawang digring pang-batsilyer. Nagkakaloob ang Paaralan ng mga programang pang-juris master sa pandaigdig na batas empresaryal (business), pandaigdig na batas, batas sa pag-aari ng likhang-isip, batas sibil at empresaryal at pandaigdig na kooperasyon sa larangang hudisyal at sa pagpapatupad ng batas.

Ang apat na modyul ng Paaralan ay sumasaklaw sa Batas Tsino (bilingual), Common Law (bilingual), wika’t panitikang Britaniko at Amerikano, at mga kursong pangnegosyo. Sa apat na taong pag-aaral sa kursong undergraduate, ang mga estudyante ay magkakaroon ng sapat na kaalaman sa sistemang pambatas ng Tsina at sa Common Law, at huhusay din sa pagpapraktis ng batas na pangnegosyo.

Ang Paaralan ay nagpapanatili ng at nakikinabang sa mahigpit na partnership sa mga prestihiyosong counterpart sa buong daigdig na gaya ng Columbia Law School, New York University School of Law, Cornell Law School, Georgetown University Law Center, University of Pennsylvania Law School, Oxford Brookes University School of Law, LSE Department of Law, University of Queensland Law School, Melbourne Law School, The University of New South Wales Law School, Bond University Law School, at University of Toledo College of Law.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC