UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Departamento ng Aleman

发布时间:2019-05-16

Ang Departamento ng Aleman ng BFSU ay itinatag noong 1950. Noong simulang-simula, mayroon lamang itong 2 guro at 14 na estudyante. Noong 2002, ang Wika’t Panitikang Aleman ng BFSU ay inilakip ng Opisina ng Digring Akademiko ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina, bilang pambansang programa. Noong 2008, kinilala naman ito ng Ministri ng Edukasyon at Ministri ng Pinansya bilang espesyal na programang pambansa.

Ang Departamento ng Aleman ay nagkakaloob ng mga programa sa anim na pangunahing larangan na kinabibilangan ng panitikang Aleman, lingguwistiks, pagsasalin, pag-aaral na interkultural, patakarang panlabas at kabuhayan ng Alemanya at pagtuturo ng wikang Aleman. Ang nasabing mga programa ay idinisenyo para humubog ng mga kuwalipikadong inter-disiplinaryong propesyonal. Dahil dito, ang Departamento ng Aleman ay nagkakaloob ng kurikulum na nababagay sa paghahanap ng kaalaman at interes ng mga estudyante. Batay sa mga saligang kurso para sa mga estudyanteng nasa una at ikalawang taon, isinasagawa ng Departamento ang dinamikong kurikulum na may mas mataas at intensibong kurso para sa mga estudyanteng nasa ikatlo at ikaapat na taon, kung saan maaari silang pumili ng mga kursong kompulsaryo mula sa apat na modyul na mula naman sa kabuuang anim na modyul, batay sa sari-sarili nilang interes at planong pangkarir.

Sa kasalukuyan, ang Departamento ng Aleman ay may 37 guro at empleyadong administratibo na kinabibilangan ng 33 ganap na guro, at 29 sa mga ganap na guro ang may digring PhD. Sa lahat ng mga guro, walo ang ganap na propesor na kinabibilangan ng anim na PhD supervisor, at 11 asistenteng propesor. Noong 2015, 345 estudyante ang nagpatala sa programang undergraduate, 92 sa programang pangmaster at 25 sa programang pang-PhD.

Napapanatili ng Departamento ang kooperasyon sa mga prestihiyosong unibersidad na gaya ng Unibersidad ng Heidelberg, Unibersidad ng Gottingen, Friedrich Schiller University Jena,  Unibersidad ng Passau, SDI Munich, at Unibersidad ng Vienna. Bawat taon, nagpapadala ang Departamento ng mga estudyante at guro para lumahok sa pang-maikliang-panahong pag-aaral o programa ng pagpapalitan sa nasabing mga pamantasan. Samantala, tumatanggap din ang Departamento ng mga estudyanteng dayuhan para sa mga programang may digri.

Sapul noong 2008, ang Departamento ng Aleman, kasama ng Nanjing University ng Tsina at Unibersidad ng Gottingen ng Alemanya, ay nagkakaloob na ng dual master degree program ng interkultural na pag-aaral na Aleman kung saan maaaring matamo ang dalawang digri mula nasabing dalawang unibersidad. Mayroon ding dual PhD degree program ang Departamento sa pakikipagpartner saInstituto para sa Wikang Aleman (IDS) at Unibersidad ng Mannheim.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC