UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Porum ng Pamunuan ng Confucius Institute ng 2022, Naganap Online

发布时间:2022-09-21

    Noong ika-14 ng Setyembre, alas otso ng gabi, naganap online ang seremonya ng pagsisimula ng Porum ng Pamunuan ng Confucius Institute ng 2022. Ang porum ang na-host ng Chinese International Education Foundation (CIEF) at Beijing Foreign Studies University (BFSU), at inorganisa ng Foreign Language Teaching and Research Press (FLTRP). Kalahok sa seremonya si Zhao Lingshan, ang bise-presidente at secretary-general ng CIEF, si Yang Dan, ang deputy Party secretary of the CPC BFSU committee at presidente ng BFSU at si Jia Wenjian, ang deputy Party secretary of the CPC BFSU committee at bise-presidente ng BFSU. Si Yu Yunfeng, ang deputy secretary-general ng CIEF ang naghost ng seremonya.

    Ang layunin ng porum ang pagpapalakas ng pagtutulungan ng mga Confucius Institute at ang pagtalakay ng hinaharap ng instituto. Gaganapin ang porum hanggang sa ika-24 ng Setyembre. Pag-uusapan ng mga dekano kung paano magpapabuti ng kakayahan ng mga guro, maglilingkod sa lipunang lokal at magtatayo ng imahe ng insitituto. Iimbitahan ng porum si Roger T. Ames, ang propesor ng University of Hawaii upang ibahagi ang pagkaunawa niya tungkol sa kultura ng Confucianism.

    Bilang isa sa mga aktibidad ng Araw ng Confucius Institute sa buong mundo, kinabibilangan ang porum ng dalawang lektura at tatlong sub-forum. Kalahok dito ang mga 600 dekano ng Tsina at ibang bansa. Magtatalumpati ang 26 na dekano.

    


No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC