UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

2022 Forum sa Kooperasyong Panrehiyon ng Tsina, Hapon at ROK, Nagtanghal ang BFSU

发布时间:2022-06-22

Noong Mayo 27-28, nagtanghal ang BFSU ng 2022 forum sa kooperasyong panrehiyon ng Tsina, Hapon at ROK sa pamamagitan ng video link, na ang paksa nito ay “Kooperasyong Panrehiyon ng Tsina, Hapon, ROK at Silangang Asya sa ilalim ng regional economic integration”. Dumalo sa seremonya si Yang Dan na pangalawang tagapangulo ng konseho at presidente ng BFSU at mahigit 60 dalubhasa at iskolar mula sa mahigit 10 kilalang unibersidad tulad ng BFSU, University of International Business and Economics (UIBE), Shandong University, Fudan University, Nankai University, Economic Research Institute for Northeast Asia (ERINA), Kyoto University at Chungnam National University.

Sa forum mayroon limang roundtable dialogue na ang paksa nila ay kooperasyong internasyonal sa disaster prevention at security, tiwala sa isa’t isa sa pulitika at kooperasyon, regional economic integration, pagpapalakas at pag-aayos ng value chain sa pagitan ng Tsina, Hapon at ROK, at kooperasyon ng hilagang-silangang Asya sa ilalim ng paglalaban ng mga may kapangyarihang bansa. Ibinahagi ng mga dalubhasa at iskolar mula saTsina, Hapon at ROK ang kanilang mga resulta ng pananaliksik mula sa iba't ibang pananaw at mayroon silang malalim na talakayan.



No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC