UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Paglulunsad at Porum ng the Consortium for Country and Area Studies, Idinaos sa BFSU

发布时间:2022-05-15

Noong Abril 29, idinaos ang seremonya sa paglulunsad ng CCAS(Consortium for Country and Area Studies) sa BFSU.


Nasimulan ng GAFSU sa ilalim ng mithiing “Mas Mainam na Pag-unawa, Mas Mabuting Mundo”, ang CCAS ay nagpapatipon ng napakaraming iskolar mula sa 181 bansa at gumagamit ng higit sa 100 wika.


Nagtalumpati sa seremonya si Yang Dan na presidente ng BFSU at director ng GAFSU, na siyang nagbahagi ng mga ideya tungkol sa pagtatayo ng CCAS mula sa tatlong aspekto. Una, kailangang pandaigdigang pagtutulungan ng mga iskolar ng pag-aaral sa bansa at lugar upang tumugon sa mga pandaigdigang hamon at magbahagi ng mga pagkakataon sa pag-unlad. Ikalawa, dapat sirain ang mga hadlang para itaguyod ang pinagsama-samang pag-unlad ng iba't ibang mga disiplinang akademiko at pagbabago sa pag-aaral sa akademya. Ikatlo, dapat kilalanin ang mga kontribusyon ng mga umuunlad na bansa sa pagtutulungan.


Nagtalumpati rin sina Irina Bokova na dating direktor-heneral ng UNESCO, Li Yansong na presidente ng Shanghai International Studies University, Siddharth Chatterjee na resident coordinator ng UN sa Tsina, Qian Chengdan na direktor ng Institute of Area Studies sa Peking University, Zhang Shuhua na direktor ng Institute of Political Sciences sa Chinese Academy of Social Sciences at Zhang Weiwei na direktor ng China Institute sa Fudan University.


Ini-unveil ang CCAS nina Wang Dinghua na tagapangulo ng konseho ng BFSU, Yang Dan at Roger T. Ames na presidente ng International Confucian Association. Sinaksihan din ng seremonya ang pag-unveil ng CCAS, ang logo at pangitain hinggil sa pangyayari nito.


Pagkatapos ng seremonya, ipinatawag ang porum sa pagpapaunlad ng disiplina ng mga pag-aaral sa bansa at lugar.




No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC