UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Ika-anim na National High-end Forum on Foreign Language Education Reform and Development for Higher Education Institutions, Idinaos

发布时间:2022-04-15

Noong Marso 19-20, idinaos sa Foreign Language Teaching and Research Press (FLTRP) ang ika-anim na National High-end Forum on Foreign Language Education Reform and Development for Higher Education Institutions, na ang paksa nito ay “Maunawaan ang Tsina, makipag-ugnayan ang mundo”.


Ipinahayag ng marami ang ulat nila, kasama na si Chen Xueliang na pangalawang director ng International Communication Bureau at the Publicity Department of the CPC Central Committee na siyang may paksa na “Linangin ang Mahusay na Talento sa Pagsasalin upang Palakasin ang Komunikasyon sa pagitan ng Tsina at Mundo”, si Wu Shixin na pangalawang director ng Kagawaran ng Mataas na Edukasyon sa MOE na siyang may paksa na “Palalimin ang Konstruksyon ng Bagong Liberal Arts at Linangin ang mga Talento sa Wikang Banyaga sa Bagong Panahon”, si Zha Peixin na dating embahador ng Tsina sa United Kingdom na siyang may paksa na “Dakila ang misyon, Maluwalhati ang Gawain, Sumulong at Gumawa ng Higit pang Mga Kontribusyon”, si Wang Dinghua na Tagapangulo ng Konseho ng BFSU na siyang may paksa na “Pahusayin ang Pakikilahok ng mga Unibersidad ng Tsina sa Pandaigdigang Pamamahala”.


Iniharap ni Wang Dinghua ang 10 hakbang tungkol nito: pahusayin ang pandaigdigang kakayahan ng mga estudyante, linangin ang mga katangiang pang-internasyonal, sanayin ang mga talento para sa mga internasyonal na organisasyon, pataasin ang impluwensya ng mga unibersidad ng Tsina sa pandaigdigang konteksto, ipakilala ang mataas na kalidad na mga mapagkukunang pang-edukasyon sa ibang bansa, ipaliwanag ang pilosopiya ng pandaigdigang pamamahala ng Tsina, magsagawa ng mga pag-aaral sa mga lugar, lumahok sa pagbabalangkas ng mga alituntunin at mekanismo ng pandaigdigang pamamahala, magbigay ng tulong para sa internasyonal na edukasyon, at nagpapasigla sa pagpapalitan ng kultura at edukasyon sa pagitan ng Tsina at mga dayuhang bansa.


Idinaos ang siyam na thematic forum, kung saan 92 tagapagsalita ang nagpalitan ng pananaw sa bagong huwaran at pag-unlad ng mas mataas na edukasyon ng Tsina sa mga wikang banyaga.



No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC