UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Pinakamagandang Tarhete sa Nayon ng Palarong Olimpiko sa Taglamig! Anong Pakiramdam ang Pagsabay sa Delegasyon

发布时间:2022-02-14

Ayon sa balita ng official website ng Beijing Organising Committee ng ika-10 ng Pebrero, noong ika-una ng Pebrero, pagkatapos ibaba ni Gao Xiaofan ang tawag ng trabaho, nakita niyang alas seis ng umaga na. Kaarawan niya ang araw na ito. Bilang isang boluntaryo mula sa BFSU at kawani ng delegasyon ng Ukranya, isang karaniwang araw lamang ito para sa kaniya. Siya rin ang isang boluntaryo sa higit sa 900 boluntaryo mula sa  BFSU para sa Beijing 2022.


“Pantay-pantay at nararapat igalang ang bawat tao. Katrabaho kami. Walang pagkakaiba at presyon kami sa pagsisikap para sa parehong bagay. Ito ang kondisyon ng pagtatrabaho na pinapangarap ko,” sabi ni Che Jiayi, ang boluntaryo at kawani ng delegasyon ng Amerika. Sumang-ayon sa kanya si Zou Guanglin, ang kawani ng delegayon ng Hapon. Nakikipagbiro, nakikipagnood ng kompetisyon at nakikipaglutas ng problema sa isa’t isa, nararamdaman ni Guanglin ang pagkakabuklud-buklod.


Para sa mga boluntaryo, hindi lamang ito isang pagkakataon ng trabaho, kundi pagsusulong ng sarili. Sa pananatili sa grupo nang isang buwan, sumasang-ayon ang bawat boluntaryo na napabuti sa lahat ng aspeto ang kani-kanilang kakayahan para handang pumasok sa lipunan kung ihahambing sa dating sarili sa kampus. Ang bawat tao ng mga delegasyon na tinutulungan nila ang pinakamatalik na guro at kaibigan nila habang Beijing 2022.


Ika-31 ng Enero ang huling araw ng isang taon sa lunar calendar ng Tsina. Kahit ginugol ng maraming boluntaryo ang araw na ito sa trabaho, masaya pa rin sila. “ Sa kotse papunta sa venue, nagsabi ang manlalaro ng ice hockey sa akin, ‘sayang na hindi mo kayang magsalu-salo sa pamilya mo ngayong Chinses New Year, pero naniniwala akong ipinagmamalaki ka nila.’” Naalala ni Jiayi ang sandaling iyon. Inisip niyang mas malapit sila sa isa’t isa kahit anuman ang nasyonalidad nila.


Noong alas otso ng gabi, ika-4 ng Pebrero, 2022, nagsimula ang seremonya ng pagbubukas ng Beijing 2022. Hindi sila nakaupo sa auditoryum na nakakita ng apoy sa itaas ng Pambansang Istadyum. Nagsalubong at gumabay naman sila sa mga delegasyon na umupo sa auditoryum. Ito ang pinakamahalagang tungkulin ng bawat kawani ng mga delegasyon. “Dinaranas ko ang kasaysayan. Ako ang bahagi ng kasaysayan,” sabi ni Zou Guanglin.


Gusto ni Gao Xiaofan na umupo sa tabi ng bintana ng bus papuntang Nayon ng Palarong Olympiko sa Taglamig, dahil nakakakita siya ng pagsikat ng araw at pagbabago ng langit mula sa kulay rose pink hanggang sa kulay ginto. Maraming dapat lutasin sa trabaho, kaya halos hindi sila nakakapagpahinga nang kahit isang minuto. Karaniwang kondisyon na ito para sa kanila.


No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC