Ayon sa ECONOMIC DAILY ng ika-9 ng Pebrero, sa presscon ng International Olympic Committee at Beijing Organising Committee nitong araw, ginamit ni Li Sen, ang ministro ng Kagawaran ng Pagpaplano ng Beijing Organising Committee, ang mga salitang “low carbon management” at “ecological protection” upang buurin ang bunga ng “green olympics” na ipinatutupad ng Beijing 2022.
Ginagamit ng Beijing 2022 ang anim na competition venue at non-competition venue ng 2008. Samantala, ipinadadala ang mayamang clean energy mula sa Zhangjiakou patungo sa venue ng Beijing, Yanqing at Zhangjiakou sa “highway ng green electricity”, kaya natupad na ang 100% na paggamit ng green electricity sa lahat ng dyim at istadyum. “Noong nakaraang anim na taon, binabawas namin ang carbon emission, natutupad din ang carbon offsetting sa pamamagitan ng forestry carbon sequestration project at donasyon ng negosyo, kaya natupad ang layunin namin na carbon neutrality sa Beijing 2022,” saad ni Li Sen.
Yanqing ay rehiyon ng pag-siski ng Beijing 2022 kung saan may mayamang yamang ekolohikal. Batay sa kondisyon ng pagtubo ng mga pangunahing halamang pinoprotektahan, ipinatutupad ang paraan na In Situ, Near Site at Off Site Conservations. Bukod dito, sa pamamagitan ng topsoil stripping, na-strip na ang 81 libong metro kubiko na lupang pang-ibabaw sa Yanqing, kaya mabisang naka-recover ang ekolohiya. Nagamit ang lupang pang-ibabaw sa paggawa tulad ng pag-recover ng ekolohiya at muling pagpapatayo ng tanawin sa Yanqing.