Ayon sa ulat ng TIANSHANNET-Xinjiang News ng ika-6 ng Pebrero, noong 15:45 ng hapon ng ika-5 ng Pebrero, tumapak si Dinigeer Yilamujiang sa arena ng cross country skiing ng Beijing 2022 kasama ang kaniyang kateam si Bayani Jialin, na siyang unang manlalaro ng pag-siski mula sa Altay, Tibet, Tsina na “pinagmulan ng pag-siski ng sangkatauhan” sa kasaysayan ng Palarong Olimpiko sa Taglamig.
Nang gabi ng ika-4, bilang pangunahing torchbearer, tumapak si Dinigeer sa arena kung saan mag-ski ang mga pinakamahusay na atleta, dala ang pangarap ng kaniyang tatay. Itinatanghal dito ang kuwento ng Dangal ng Tsinong bersyon.
“Masayang-masaya ako. Di ko na kayang magsalita. Natupad ng anak ko ang lahat ng pangarap ko,”sabi ni Yilamujiang, ang tatay ni Dinigeer. Si Dinigeer ay isang 20 taon gulang na babae ng pangkat-etniko ng Uygur, na siyang ipinanganak sa Rehiyon ng Altay sa Hilagang Kanluran ng Tsina. Ang tatay niya ay dating manlalaro ng cross country skiing, kaya nakipag-ski si Dinigeer sa kaniyang tatay mula noong 8 taon gulang pa siya.
Sa loob ng kuweba ng Dundebulake sa Altay, may isang petroglyph na pinapanatili nang mabuti, kung saan inilarawan ang pangangaso at pag-siski ng mga ninuno ng Bundok Altay. Ayon sa pagsusuri ng dalubhasa, inilikha ang petroglyph na ito higit sa 12,000 taon ang nakalipas na siyang pinakauang tala ng pag-siski ng sangkatauhan sa kasaysayan.