Seremonya para sa mga Boluntaryo ng Beijing 2022, Idinaos ng BFSU
Idinaos na ng BFSU ang seremonya para sa mga boluntaryo ng 2022 Olympic and Paralympic Winter Games noong Enero 18, na simula ring operahan ang serbisyo ng multilingguwal na call center sa seremonya. Dumalo sa seremonya sina Wan Xuejun na deputy director-general ng International Relations Department sa Beijing Organizing Committee for the Games, Wang Dinghua na Tagapangulo ng Konseho ng BFSU, Yang Dan na Pangalawang Tagapangulo ng Konseho at Presidente ng BFSU, Su Dapeng na Pangalawang Tagapangulo ng Konseho at Ding Hao at Zhao Gang na Miyembro ng Permanenteng Komite at Pangalawang Presidente.
Papupuntahin ang 900 boluntaryo ng BFSU sa 2022 Olympic and Paralympic Winter Games upang magbigay ng serbisyo. Namigay si Wang Dinghua ng mga watawat sa mga boluntaryo. Kinakatawan nito ang simula ng mga gawain ng boluntaryo.
Magbibigay ang multilingguwal na call center ng serbisyong pagsasalin sa 21 wika. Nagpasimula sina Yang Dan, Wan Xuejun at mga boluntaryong kinatawan ng guro at mag-aaral ng serbisyo nang sabay-sabay.
Ipinahayag ni Wan Xuejun ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga guro at estudyante na nag-ambag sa Winter Games, at at umasa niya na matapang nilang maging responsable at bigyan ang kanilang mga propesyonal na kalaman. Iminungkahi rin naman ni Su Dapeng na ang lahat nila ay dapat magmana ng espiritu ng boluntaryo, ipakita ang propesyonalismo nila habang naglilingkod sa Winter Games, at magkuwento ng mga Tsino sa pandaigdigang pananaw. Namahagi rin si Ding Hao ng mga suplay sa mga boluntaryong kinatawan sa ngalan ng paaralan.
Nagpahayag sina Guan Bo na isang gurong boluntaryo, Yewen Xiaoyu na isang boluntaryo sa ilalim na closed-loop management at mga kinakatawan ng mga magulang ng boluntaryo ng kanilang mga saloobin at pagpapala sa talumpati nila at sa mga video.