Sa ngayon, inilabas ang lista ng mga pangunahing proyekto ng NSSFC(National Social Science Fund of China) sa 2021. Kabilang sa mga ito, apat ang proyekto ng BFSU, na nasa ika-21 na pwesto sa mga unibersidad sa buong bansa. Inaprubahan rin bilang pangunahing ipinagkatiwalang proyekto ng NSSFC ang “Pagtitipon at Pagsasaliksik sa mga Multilingguwal na Serye ng Aklat-aralin para sa mga Mayor sa Wikang Banyaga ng Institusyong Mataas na Edukasyon: Pagkaunawa sa Kontemporaryong Lipunang Tsino ” na pinangunahan ng BFSU kasama si Wang Dinghua, tagapangulo ng konseho, bilang pangunahing dalubhasa.
Bago nito, inaprubahan ang 16 proyekto bilang 2021 taunang proyekto ng NSSFC, inaprubahan ang 5 proyekto ng National Natural Science Foundation of China, inaprubahan ang 10 proyekto bilang pangkalahatang proyekto ng pananaliksik sa agham panlipunan at humanidades ng Kagawaran ng Edukasyon, at inaprubahan naman ang 5 proyekto bilang proyekto ng Beijing Municipal Social Science Fund. Sinasaklaw ng mga proyekto ang maraming larangan, tulad ng linggwistika, panitikan, pamamahayag, komunikasyon, pamamahala at internasyonal na pananaliksik.