Noong ika-10 ng Nobyembre, naganap ng BFSU ang seremonya ng pagsisimula ng pagsasanay ng mga boluntaryo ng Palarong Olimpiko sa Taglamig at Palarong Paralimpiko 2022. Dumalo sa seremonya si Zhang Lina, pangalawang puno ng kagawaran ng boluntaryo ng lupon ng pag-oorganisa ng Beijing 2022, at si Su Dapeng, Pangalawang Tagapangulo ng Konseho ng BFSU. Kalahok dito ang mga kinatawan ng grupo ng boluntaryo ng BFSU para sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 2022 at humigit-kumulang 500 guro at kinatawan ng estudyante.
Isang buwan ang tagal ng pagsasanay. Kinabibilangan ito ng apat na bahagi: basikong kasanayan, praktikal na pagsasanay, ekstensyon ng kaalaman at pagpapabuti ng kahusayang komprehensibo. Sa kombinasyon ng pag-aaral ng kaalaman at karanasang pratikal, pagsasanay ng kasanayan at pagsasanay pisikal, aktibidad pang-unibersidad at pang-instituto, paglilingkod at katangian ng mga kurso, papabutihin ang kahusayang komprehensibo, kamalayan ng paglilingkod at kasanayang propesyonal.
Habang Palarong Olimpiko sa Taglamig at Palarong Paralimpiko 2022, itatalaga ng BFSU ang higit sa 800 boluntaryong propesyonal para sa anim na programa na paglilingkod pangwika, protokol, NCS, OFS, pagtatanghal ng isport at operasyon ng media. Sinasaklaw ng paglilingkod ang lahat ng istadyum, Bayang Olimpiko sa Taglamig, plasa para sa paggagawad ng Beijing at Zhangjiakou, at punong-tanggapan ng lupon ng pag-oorganisa, Main Media Center, Mountain Press Center at Olympic Family Hotel. BFSU ang iisang unibersidad na magtatalaga ng pinakamaraming tao para sa paglilingkod ng boluntaryo ng Beijing 2022. Samantala, ibibigay ng humigit-kumulang 100 guro at estudyante ang paglilingkod ng pagsasalin sa Beijing Multilingual Service Center.