UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Kampo ng Tag-init ng Chinese Bridge ng 2021, Inilunsad sa BFSU

发布时间:2021-08-26

Mula ika-20 ng Hulyo hanggang sa ika-7 ng Agosto, inilunsad sa BFSU ang mga online na proyekto ng komunikasyon ng grupo ng Chinese Bridge ng 2021. Kabilang dito ang online na kampo ng tag-init para sa estudyanteng Europeo ng paaralang panggitna at online na kampo ng tag-init para sa estudyante ng unibersidad na tinatawag na “Immersion at Impression”, at online na kampo ng tag-init na tinatawag na “Pagbakas ng Tsina-Istasyon ng Lingnan”(ginagamit ang wikang Tsino at Aleman).

Ginagamit ng naturang mga proyekto ang “pagpapalakas ng wikang Tsino+pagdama ng kultura” bilang paksa. Sa pamamagitan ng maliit na klase para sa pag-aaral ng wika at malaking klase para sa lekturang pangkultura at pagsama ng klase ng livestream at klaseng naitala, natutulungan ang mga estudyante na madama ang kulturang Tsino at makilala ang modernong Tsina nang malalim at mapabuti ang kakayahan ng wikang Tsino sa iba’t ibang aspekto.                

Kinabibilangan ang kampo ng tag-init na “Immersion and Impression” ng kurso ng wikang Tsino, aktibidad ng “pagtatanghal ng tradisyonal na kulturang Tsino”, lektura ng paksang Tsino, serye ng bideo ng “pag-aaral sa Beijing” at serye ng bideo ng “pag-usapan ang Tsina sa iba’t ibang wika”. Kalahok dito ang 176 na estudyante mula sa Rusiya, Unggarya, Bulgarya, Tsek, Espanya at ibang 6 na bansa.

Binibigyan pansin naman ng kampo ng tag-init ng “Pagbakas ng Tsina-Istasyon ng Lingnan”(ginagamit ang wikang Tsino at Aleman) ang pagmamana at pag-unlad ng kasaysayan at kultura ng rehiyong Lingnan ng Tsina. Kabilang sa pag-aaral ang kurso ng wikang Tsino, kurso ng kultura at kurso ng pagsasanay ng pagpapalawig. Kabilang dito ang 97 estudyante mula sa Alemanya, Luksemburgo, Portugal, Inglatera, Poland at ibang 9 na bansa.




No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC