UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Paaralan ng Espanyol at Portuges ng BFSU, inilunsad

发布时间:2019-05-16

Pinasinayaan noong Marso 16, 2019 ang Paaralan ng Espanyol at Portuges ng Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU). Kasabay nito, idinaos din ang Porum hinggil sa Pagsasanay sa mga Talento at Pag-unlad ng mga Kursong Espanyol at Portuges.

Ang Programa ng Wikang Espanyol at Programa ng Wikang Portuges ay itinatag noong 1952 at 1960, ayon sa pagkakasunod. Ang mga programa ay kapuwa kauna-unahang ganitong programa sa Tsina. Ang Programang Espanyol ng BFSU ay ang kauna-unahan sa Tsina na inawtorisahang magkaloob ng digring pangmaster sa wikang Espanyol, at ito rin ang kauna-unahang nagkaloob ng digring PhD sa wikang Espanyol. Ang Programang Portuges naman ay naging kauna-unahang programa ng Tsina na nagsasanay sa mga estudyanteng postgraduate sa wikang Portuges. Bilang mga espesyal na programang kinikilala ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, ang naturang dalawang programa ay nagbibigay ng kahanga-hangang ambag sa pagpapalitang pangkaibigan sa pagitan ng Tsina at mga bansang nagsasalita ng Espanyol at Portuges.

Lumahok sa pasinaya ang mga opisyal at propesor ng BFSU, kasama ang humigit-kumulang sandaang kinatawan at panauhin mula sa Ministring Panlabas, media, mga pamantasan, institusyon ng pananaliksik, bahay-kalakal, bangko, sektor na pambatas, sektor na kultural, at iba.

Binalik-tanaw ng mga propesor ng programang Espanyol na sina Cen Chulan at Dong Yansheng ang kasaysayan ng programa at pagpapahalaga ng programa sa paghubog ng iba’t ibang kakayahan ng mga mag-aaral na gaya ng pagkinig, pagsasalita, pagsusulat, pagsasalin, at iba pa. Umaasa anila silang walang-humpay na makapagtatamo ang paaralan ng bagong progreso sa bagong simula.

Nilagom naman ni Liu Jian, Tagapangulo ng Konseho ng Paaralan ng Espanyol at Portuges ang mga natamong bunga at naibigay na ambag ng dalawang programa. Isinalaysay rin ni Liu na ang bagong tatag na paaralan ay binubuo ng Departamento ng Espanyol, Departamento ng Portuges, at apat na sentro ng pananaliksik. Kasabay ng patuloy na pagpapagaling ng pagtuturo sa mga mag-aaral, pahihigpitin din ng Paaralan ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa ibang mga pamantasan para itatag ang plataporma ng pagpapalitang akademiko, dagdag pa ni Liu.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC