UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

UP Lady Booters, dumalaw sa BFSU

发布时间:2019-05-16

Sa paanyaya ng Federation of University Sports of China (FUSC), dumalaw sa Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU) ang mga miyembro ng UP Lady Booters, koponan ng futbol ng babae ng Unibersidad ng Pilipinas, noong ika-26 ng Oktubre, 2018.

Layon ng nasabing pagdalaw na palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng isports ng mga pamantasan ng Tsina’t Pilipinas at pasulungin ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga kabataan ng dalawang bansa.

Sa ngalan ng BFSU, ipinahayag ni Huo Ran, Puno ng Departamento ng Wikang Filipino ng Paaralan ng Pag-aaral na Asyano at Aprikano, ang mainit na pagtanggap sa mga panauhin at isinalaysay sa kanila ang hinggil sa katangian ng pamantasan at programa ng wikang Filipino nito.

Huo Ran, Puno ng Departamento ng Wikang Filipino

Inintrodyus ng Samahan ng mga Kasuotan ng Etnikong Han ng pamantasan sa mga bisita ang hinggil sa kasaysayan at istilo ng mga tradisyonal na damit ng etnikong Han ng Tsina. Ipinakita naman ng Samahan ng Kaligrapiya at Pinta ng pamantasan kung paano sumulat ng kaligrapiyang Tsino.

Nakisalamuha rin ang mga estudyateng Tsino’t Pilipino sa mga tradisyonal na larong Tsino na gaya ng paghahagis ng pana sa malaplorerang lalagyan, pagkakalag ng Chinese Rings, paggawa ng mabangong sachet, paggupit ng papel at iba pa. Pinag-aralan din ng mga mag-aaral na Pilipino kung paano sumulat ng mga karakter na Tsino at magpinta sa pamaypay. Kinagiliwan ng mga panauhing Pilipino ang tradisyonal na sining ng Tsina. Naging aktibo rin ang interaksyon sa pagitan ng mga estudyanteng Tsino’t Pilipino.

 

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC