Ang Paaralan ng Pananaliksik ng Asyano, na dating kilala bilang Paaralan ng Pananaliksik na Asyano at Aprikano na itinatag noong 1961, ay isa sa mga paaralan ng wika na may pinakamaraming kursong Asyano at pinakamatagal na kasaysayan sa buong bansa. Sa kasalukuyan, nag-aalok ang Paaralan ng Pananaliksik ng Asyano ng 30 kurso, kung saan nagpapatala ang 22 kurso (kabilang ang 23 wika) ng mga estudyante. Ang mga kurso sa Korean, Malay, Sinhala, Thai, Turkish, Persian, Khmer, Lao, Burmese, Hindi, Vietnamese, Indonesian, Bengali, Sanskrit, at Pali ay kabilang sa mga "Pambansang Pangunahing Programa ng Undergraduate." Ang mga kurso sa Filipino, Mongolian, Nepali, Urdu, Hebrew, at Armenian ay kabilang naman sa mga "Pangunahing Programa ng Undergraduate sa Beijing." May malakas na pang-akademikong kakayahan rin ang Paaralan ng Pananaliksik ng Asyano at kumukuha ng mga eksperto sa kultura at edukasyon mula sa iba't ibang bansa sa Asya, gayundin ng mga eksperto sa internasyonal na relasyon, batas, at kasaysayan.
Sa hinaharap, ang paaralan ay naglalayong ibayo pang mapalakas ang kapasidad sa pagtuturo at pananaliksik at mapaganda ang mga programang pang-undergraduate at pang-postgraduate para makahubog ng magagaling na propesyonal para sa bansa at itatag ang sarili bilang primera klaseng base ng pagsasanay sa mga wika na di malawakang ginagamit. Kasabay nito, itatatag din ng paaralan ang sarili bilang mahalagang base ng pananaliksik at pasusulungin ang pananaliksik sa makataong sining at mga agham na panlipunan, at araling pambansa at panrehiyon na sumasaklaw sa Silangang Asya, Timog-silangang Asya, Timog Asya at Kanlurang Asya.