HOME > Tungkol sa BFSU > Kampus > 正文

Aklatan

Updated: 2022-07-25

Sa kasalukuyan, may koleksyon ng mga aklat ang aklatan ng Pamantasan ng Araling Dayuhan ng Beijing sa 74 na wika, kabilang sa Wikang Tsino, Ingles, Pranses, Ruso, Aleman, Espanyol, Hapon, at Arabika. Mayroong halos 1.57 milyong pisikal na aklat at higit sa 2.16 milyong elektronikong libro. Nagtataglay rin ang aklatan ng 1081 uri ng mga pahayagan at magasin sa Tsino at mga wikang banyaga, mahigit 10 libong uri ng iba't ibang audio-visual na materyal, 38 libong uri ng buong tekstong elektronikong hurnal sa Tsino at wikang banyaga, 107 uri ng database sa Tsino at banyagang wika, at 9 database na itinayo ng sarili. Nakatuon ang koleksyon ng aklatan sa wika, panitikan, at kultura. Sa nakaraang taon, kasabay ng pag-unlad ng mga disiplina sa aming unibersidad, patuloy ring nadaragdagan ang mga aklat at materyal sa larangan ng batas, diplomasya, ekonomiya, pamamahayag, at pamamahala.

May kabuuang sukat na 23 libong metro kuwadrado at anim na palapag ang aklatan. Iniaalay ang higit sa 2,200 upuan para sa pagbabasa, 18 na silid-aralan, kasama ang mga akademikong silid para sa mga presentasyon at diskusyon, mga silid para sa pagsasanay, at iba pa. Mayroon din itong mga bulwagang pagtatanghal, coffee bar, at iba pang lugar para sa kultura at pagpapahinga.

Tinatakpan ang buong aklatan ng wireless network. Nagpapahintulot ang 24-oras na aparato sa mambabasa na isauli ang kanilang hiniram na mga libro anumang oras. At inaalok ang self-service printing, photocopying, scanning, pagpapahiram at pagsasauli ng mga libro, elektronikong nabigasyon at pahayagan at iba pang uri ng self-service equipment. Mayroon ding lugar para sa elektronikong pagbabasa at multimedia learning. At nakakalat ang mga information release system saanman.

Ang aklatan ng Pamantasan ng Araling Dayuhan ng Beijing (BFSU) na naaayon sa pilosopiya ng unibersidad na "foreign, special and exquisite," ay nakatuon sa mga tao at mabilis na tumutugon sa mga pagbabago sa ekonomiyang kaalaman at pag-unlad ng dihital. Nagbibigay ito ng kumpletong serbisyo sa impormasyon at suporta sa akademya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng mayamang koleksyon ng mga mapagkukunan, maginhawang kapaligiran sa pag-aaral, mga serbisyo na madaling gamitin, at mga de-kalidad na pasilidad. Nakatuon ito sa pag-iipon ng mga akademikong at iba pang mapagkukunan sa mga wikang banyaga, at naglalayong maging isang sentro ng mapagkukunan at sentro ng pagpapalitan ng kultura para sa interkultural at intra-university na integrasyon.