HOME > Balita > 正文

Si Pangalawang Pangulo Iliyana Yotova ng Bulgaria, Bumisita sa BFSU

Updated: 2025-10-16

Noong Oktubre ika-15, 2025, bumisita si Iliyana Yotova, Pangalawang Pangulo ng Bulgaria, sa Beijing Foreign Studies University. Nakipagpulong kay Yotova at sa kanyang delegasyon si Jia Wenjian, Pangulo at Pangalawang Kalihim ng Partido ng BFSU. Ipinakilala ni Jia Wenjian ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa internasyonal na palitan at pagbuo ng talento ng BFSU, gayun din ang mga pinakabagong tagumpay sa pagsasama-sama ng mga disiplina. Binigyang-diin niya na lubhang pinahahalagahan ng BFSU ang pagbuo ng programa sa wikang Bulgarian at ang pag-unlad ng disiplina. At ipinahayag niya ang pag-asa na magpapatuloy na magbigay ng suporta at tulong ang pamahalaan ng Bulgaria at ang embahada nito sa Tsina. Sa pamamagitan ng hustong paggamit ng mga kaalaman ng BFSU sa wika, aktibong itaguyod ang palitan at pakikipag-ugnayan ng mga kabataang iskolar ng dalawang bansa at mag-ambag sa pagpapalalim ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Binigyang-diin ni Yotova ang kahalagahan ng pag-unlad ng mga disiplinang pantao at inaasahan ang mas maraming palitan at pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga mag-aaral at iskolar ng dalawang bansa sa hinaharap. Ipinahayag din niya na handang makipagtulungan ang pamahalaan ng Bulgaria sa BFSU upang patatagin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng kooperasyong pang-edukasyon.

Pagkatapos ng pulong, nagtalumpati si Yotova para sa mga guro at mag-aaral ng BFSU at nakipag-ugnayan sa kanila.

Noong panahon ng kaganapan, ipinagkaloob ni Yotova kay Ma Xipu, Espesyal na Panauhing Mananaliksik ng Bulgarian Research Center ng BFSU, ang "First Class Order of St. Cyril and St. Methodius" ng Republika ng Bulgaria bilang pagkilala sa kanyang pambihirang kontribusyon sa pagpapalaganap ng kasaysayan at kultura ng Bulgaria sa Tsina.