Noong Hunyo ika-22 hanggang Hulyo una, pinangunahan ang isang delegasyon ni Jia Wenjian, Pangulo at Pangalawang Kalihim ng Partido ng Beijing Foreign Studies University (BFSU) sa pagbisita sa Rwanda, Uganda, at Kenya. Sa kanyang paglalakbay, bumisita si Pangulong Jia at ang kanyang delegasyon sa mga institusyon tulad ng University of Rwanda, Makerere University, Ruyanzi Polytechnic Institute, Uganda Development Observatory, Kenyatta University at University of Nairobi upang magsagawa ng talakayan at pagpapalitan hinggil sa kooperasyon sa edukasyon at pananaliksik. Nakipagpulong din ang delegasyon sa Embahada ng Tsina sa Rwanda, Embahada ng Tsina sa Uganda at Embahada ng Tsina sa Kenya. At saka nakipagpanayam sa punong mamamahayag ng Xinhua News Agency sa Rwanda. Bukod dito, naisagawa nila ang mga pagsasaliksik at pagbisita sa ilang kumpanyang Tsino sa Aprika, kabilang sa China Civil Engineering (Rwanda) Department, Chinese Medical Team sa Rwanda, StarTimes Uganda Branch, China Civil Engineering (Kenya) Co., Ltd., Xinhua News Agency Africa Headquarters, China Road and Bridge Corporation Kenya Office, at Beijing Normal University Africa Center (Jingshi Africa). Noong pagbisita, nakipagtulungan ang BFSU sa Uganda Development Observatory at University of Nairobi upang idaos ang mga kumperensiyang pantalisikan. At napanayam si Pangulong Jia Wenjian ng lokal na media. Unang opisyal na pagbisita ito ng BFSU sa antas-pangulo sa Rwanda at Uganda. Nagkaroon ng malawak na pagkakasundo ang magkabilang panig hinggil sa pagtuturo ng wikang at kulturang Aprikano, pagsasanay ng mga propesyonal, magkasanib na pananaliksik, at pagpapalawak ng ugnayang akademiko at industriyal sa mga pagpupulong. Lumagda rin sila ng mga Memorandum of Understanding (MoU) para sa mas malalim na kooperasyon. Nagpatibay ang pagbisita ng pagkakaibigan at pagtitiwala, nagpalawak din ng mga larangan ng pagtutulungan at nagtamo ng matagumpay na resulta.
