HOME > Balita > 正文

Si Pangulong Jia Wenjian, dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng Sentro ng Inobasyon sa Pagsasanay ng Doktorado ng Tsina-SCO

Updated: 2025-09-07

Noong Setyembre 5 hanggang 6, dumalo si Jia Wenjian, Pangulo at Pangalawang Kalihim ng Partido ng Beijing Foreign Studies University (BFSU), sa seremonya ng pagbubukas ng Sentro ng Inobasyon sa Pagsasanay ng Doktorado ng Tsina-SCO na ginanap sa lungsod ng Harbin. Dumalo rin sa seremonya sina Wu Yan, Pangalawang Ministro ng Edukasyon ng Tsina; Sui Hongbo, Pangalawang Gobernador ng Lalawigan ng Heilongjiang; at si Kharitonchik Sergey, Pangulo ng Belarusian National Technical University, kasama ng iba pang mga panauhing Tsino at dayuhan.


Sa naturang okasyon, si Jia Wenjian ang nagsilbing tanging kinatawan mula sa mga pamantasan ng Tsina na nagbigay ng talumpati. Samantala, si Liu Xinlu, Miyembro ng Pirmihang Komite ng Partido at Pangalawang Pangulo ng BFSU, ang nag-unveil ng Plataporma ng Pandaigdigang Kooperasyon ng nasabing sentro.