Noong Hunyo 23, pinangunahan ni Wan Muhamad Noor Matha, Pangulo ng Pambansang Asembleya at Tagapagsalita ng Kapulungan ng Kinatawan ng Thailand, ang isang delegasyon sa pagbisita sa Beijing Foreign Studies University (BFSU). Malugod silang tinanggap nina Wang Dinghua, Kalihim ng Partido sa BFSU, at Zhao Gang, Miyembro ng Standing Committee ng Partido at Pangalawang Pangulo ng BFSU.
Ipinahayag ni Wang Dinghua na sa limampung taong relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand, matatag ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, at ang pagbisitang ito ay makatutulong sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapatuloy ng tradisyunal na pagkakaibigan ng Tsina at Thailand. Umaasa siya na sa pakikipagtulungan sa panig ng Thailand, mas marami pang natatanging talento ang mahuhubog.
Pinuri ni Wan Noor ang kontribusyon ng BFSU sa pagpapalalim ng pagkakaibigan ng Tsina at Thailand, at ipinahayag ang kanyang pagsuporta sa pagpapalitan at dayalogo ng mga kabataan.
Pagkatapos, nakipagdayalogo si Wan Noor sa mga guro at mag-aaral ng BFSU hinggil sa relasyong Tsina-Thailand, edukasyong pandaigdig, at pag-unlad ng kabataan.
