HOME > Balita > 正文

Pagdiriwang ng Bagong Taon para sa mga Dayuhang Guro, Idinaos sa BFSU

Updated: 2025-01-15

Noong Disyembre 30, 2024, ginanap ang Pagdiriwang ng Bagong Taon sa mga dayuhang guro sa Beijing Foreign Studies University (BFSU). Dumalo at nagbigay ng talumpati si Zhao Gang, Miyembro ng Standing Committee ng Party Committee ng BFSU at Pangalawang Pangulo ng Unibersidad. Mahigit sa isang daang tao, kabilang ang mga dayuhang guro mula sa iba’t ibang kolehiyo at kanilang mga pamilya, mga opisyal mula sa kaugnay na mga akademikong institusyon at departamento, at mga kinatawan ng mga mag-aaral, ang dumalo sa aktibidad.

Sa pagdiriwang, binigyan ng pandangal na sertipiko ang apat na dayuhang guro na nagsilbi sa BFSU nang higit sa sampung taon. Nagsalita bilang mga kinatawan ng mga pinarangalan sina Charassri Jiraphas, isang propesor na nanggaling sa Thailand sa School of Asian Studies; Wang Dehong, isang propesor na nanggaling sa Singapore sa School of International Business; Chung Ethan Forbes, isang lector na nanggaling sa Australia sa School of International Business; at Matsuda Takahiro, isang guro na nanggaling sa Hapon sa School of Chinese Studies.

Kasunod nito, nagsagawa ang mga guro at mag-aaral na Tsino at dayuhan, kasama ang kanilang mga pamilya, ng makulay at masiglang programa sa entablado. Nagkaroon ng masayang pagdiriwang, na pinagsaluhan ng mga guro at mag-aaral mula sa iba’t ibang kultura upang ipagdiwang ang pagdating ng Bagong Taon.