Dumalaw sa Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU) ang delegasyon ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na pinangungunahan ni Pangalawang Presidente Adam V. Ramilo noong Nobyembre 29. Kinatagpo ang delegasyon ni Yan Guohua, Pangalawang Presidente ng BFSU.

Lumahok sa pagtatagpo sina Huo Ran at Xu Hanyi, mga guro ng Departamento ng Wikang Filipino ng Paaralan ng Pag-aaral na Asyano at Aprikano ng BFSU.
Isinalaysay ni Yan ang hinggil sa katangian ng pagtuturo ng BFSU, lalo na ang magkakasanib na programa ng BFSU at mga pamantansang dayuhan.
Ipinahayag naman ni Ramilo na bilang isa sa mga kilalang unibersidad ng Pilipinas, umaasa ang PUP na maitatatag ang pakikipagtulungan sa BFSU.