HOME > Balita > 正文

Instituto ng Tag-araw ng Pag-aaral ng Konpusyanismo ng 2022, Nagsimulang Online

Updated: 2022-08-07


        Noong Hulyo 18, idinaos ng Samahan ng Internasyonal na Konpusyanismo (ICA) at BFSU ang seremonya ng pagsisimula ng instituto ng tag-araw ng pag-aaral ng Konpusyanismo ng 2022. Kalahok dito si Zhang Xuezhi, Pangalawang Presidente ng ICA at si Zhao Gang, miyembro ng Konseho ng BFSU.


        Labingtatlong araw ang tagal ng aktibidad na ito, at gagamitin ng mga guro ang wikang Tsino at Ingles at isasagawa ang klase nang online. Sasali sa pag-aaral ang higit sa 16- estudyante mula sa mga unibersidad sa loob at labas ng bansa galing sa 24 na bansa, tulad ng Morocco, Pakistan, Switzerland, Tsina, Egypt, India, United Kingdom, Ireland, Uruguay, Afghanistan, Australia, Russia, Argentina, Azerbaijan, Venezuela, United States, Lithuania, Iran, Albania, Kazakhstan, Ecuador, Peru, Brazil, Turkey , at iba pa.