Mula noong ika-5 hanggang ika-6 ng Enero ng 2023, niyaya ni Pangulong Xi Jinping si Pangulong Serdar Berdimuhamedov para sa pagbisita sa Tsina. Bilang kalalabasan ng kooperasyon sa larangan ng edukasyon, naisama ang memorandum of understanding ng BFSU at Magtymguly Turkmen State University (TDU) sa kalalabasan ng pagbisita ng presidente ng Turkmenistan sa Tsina.
Noong ika-6 ng Enero, si Yang Dan, ang deputy Party secretary of the CPC BFSU committee at presidente ng BFSU ang nag-sign ng MOU kasama si Bayramgul Orazdurdiyeva, ang presidente ng TDU. Ang araw na ito ay anibersaryo ng ika-31 taon ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Tsina at Turkmenistan, at ito rin ang unang pagbisita sa Tsina ni Pangulong Berdimuhamedov matapos siyang manungkulan noong Marso ng 2022.
BFSU ang natatanging universidad ng Tsina na nagtatayo ng kurso ng Wikang Turkomano. Noong Setyembre ng 2018, ini-enroll ng BFSU ang unang batch ng mga undergraduate na nag-aaral ng Wikang Ruso at Turkmen. Noong Hunyo ng 2022, nagtatrabaho ang unang pangkat ng mga undergraduate sa larangan ng diplomasya ng Tsina-Turkmenistan, ekonomiya, kalakalan at komunikasyon ng kultura pagkatapos ng graduation. Noong Hulyo ng 2022, natagumpay na napili ng BFSU ang unang batch ng mga graduate student ng Wikang Turkmen sa pamamagitan ng plano ng pagsasanay ng ika-apat na batch ng mga guro sa non lingua franca, at itatalaga sila sa Turkmenista para kunin ang master’s degree.
