Noong Nobyembre 26-27, 2022, idinaos ang unang pulong paghahanda ng pulong pambansang akademikong seminar ng pananaliksik sa aklat-aralin sa wikang banyaga at pananaliksik sa aklat-aralin sa wikang banyaga, na ang paksa nito ay “Pananaliksik sa Aklat-aralin sa Wikang Banyaga: Pandaigdigang Pananaw At Katutubong Pagbabago”. Dumalo sa pulong sa online ang Halos 10,000 eksperto at iskolar sa larangan ng edukasyon sa wikang banyaga upang talakay sa direksyon ng pananaliksik at landas ng mga materyales sa pagtuturo ng wikang banyaga sa bagong panahon at tulong sa pagbuo at pagbabago ng sistemang aklat-aralin sa wikang banyaga na may mga katangiang Tsino. Dumalo rin sa sa seremonya ng pagbubukas sina Chen Mao na pangalawang direktor ng Kagawaran ng Pambansang Aklat-aralin sa MOE, Wang Dinghua na tagapangulo ng Konseho ng BFSU, at Luo Xuanmin na presidente ng CACSEC. Pinangunahan ang seremonya ng pagbubukas si Sun Youzhong, miyembro ng Konseho at pangalawang presidente ng BFSU.
Binubuo ang pulong na ito ng tatlong bahagi: pangunahing talumpati, seminar at pangkatang talumpati. Maraming eksperto at iskolar sa loob at labas ng bansa ang nagbahagi ng kanilang mga pananaw sa pagsasama-sama, pagsusuri at paggamit ng mga aklat-aralin sa wikang banyaga para sa unibersidad, paaralang sekundarya, paaralang primarya at paaralang bokasyonal, pananaliksik sa kulturang ideolohiya at pulitika sa mga aklat-aralin, pananaliksik sa paggamit ng aklat-araling serye ng “Pag-unawa sa Tsina sa Panahong Ngayon”, pananaliksik sa aklat-aralin sa wikang banyaga sa ibang bansa, pananaliksik sa bagong anyo ng aklat-aralin sa wikang banyaga, aklat-aralin sa wikang banyaga at pag-unlad ng mga guro, at iba pa.