Noong Disyembre 18, 2022, idinaos na online ang seminar ng CCAS(Consortium for Country and Area Studies) na pinangunahan ng BFSU. Ang paksa ng pulong ay “Pagpaparaya, Pagbabahaginan at Masusuportahang pagpapaunlad”.
Pinasimulan ng GAFSU, ang CCAS ay isang akademikong network ng mga iskolar mula sa 181 mga bansa na nagsasalita ng higit sa 100 mga wika.
Nagtalumpati sa seremonya sina Yang Dan na pangalawang tagapangulo ng Konseho at presidente ng BFSU at presidente ng Academy of Regional and Global Governance, Muhammad Khalili na presidente ng Morocco-China Friendship Exchange Association at dating Moroccan parliamentarian at Du Zhanyuan na presidente ng Translators Association of China.
Nagbigay si Yang Dan ng talumpati na "Ang Kahalagahan ng Modernisasyon ng Tsina sa Mundo". Nagbigay si Jiang Feng, tagapangulo ng Konseho ng SISU at tagapangulo ng Shanghai Academy of Global Governance and Area Studies ng talumpati na "Ang Masusuportahang Pagpapaunlad at Kapayapaan Sa Buong Mundo ay Nangangailangan ng Bagong Porma ng Pagsulong ng mga Tao". Nagbigay rin ng talumpati sina Velia Govaere, propesor sa UNED Costa Rica at dating deputy minister sa Costa Rican Ministry of Economy, Industry and Commerce at Edmond Moukala, direktor ng UNESCO Mali Office. Ang mga iskolar na Tsino at dayuhan ay gumawa ng pagsusuri sa talumpati at naggawa ng mga malalim na talakayan tungkol sa tema nila.
Sa pulong nito opisyal na inilabas ang website at Wechat account ng CCAS, at nagpakilala sa paparating antolohiya, Country and Area Studies — Global Perspectives na unang koleksyon ng mga papeles ng CCAS at inilabas ang bagong aklat, Global Index 2022 .