HOME > Balita > 正文

Si Tagapangulo ng Konseho, Wang Dinghua Bumisita sa Belgium, Hungary at Spain Kasama Ang Grupo Niya

Updated: 2023-09-23

Noong Mayo 21-30, bumisita si Tagapangulo ng Konseho, Wang Dinghua sa Belgium, Hungary at Spain kasama ang grupo niya. Pinuntahan nila ang Belgium-China Association at Confucius Institute sa Brussels upang dumalo sa isang klase sa wikang Tsino doon at palakasin ang ugnayan para sa karagdagang pag-unlad ng institute. Pinuntahan rin nila ang University of Liege at Confucius Institute sa Liege at pumirma sila ng isang kasunduan sa pakikipagtulungan sa mga exchange student. Pinuntahan nila ang Directorate-General for Interpretation (DG SCIC) sa European Commission para sa pakikipagtulungan sa pagitan nila at ng Graduate School of Translation and Interpretation ng BFSU. Sa Hungary, pinuntahan nila ang Eötvös Loránd University (ELTE), ELTE Trefort Ágoston Gyakorló Gimnázium at Confucius Institute sa ELTE. pinirmahan nila ang mga kasunduan sa partnership, kooperasyon at pagpapalitan ng mga estudyante sa unibersidad nito at iba pang mga proyekto ng pagtutulungan. Nalaman rin nila ang mga pagsasaayos para sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Departamento ng Wika at Panitikan ng Tsino nila. Pinuntahan nila ang Hungarian Academy of Sciences at tinalakay ang karagdagang pakikipagtulungan sa kanila. Sa Spain, pinuntahan nila ang University of Barcelona (UB) at Confucius Institute doon at tinalakay ang mga bagay sa pagbuo ng mga proyekto ng pananaliksik sa rehiyon. Bukod dito, binisita na rin sila ang mga Embahada ng Tsina sa Belgium, Hungary at Spain at Chinese Mission sa European Union, at nagsagawa sila ng mga talakayan sa mga tauhang diplomatiko. Binisita rin nila ang mga director ng Tsina, guro ng gobyerno at mga boluntaryo ng Confucius Institutes ng BFSU sa Belgium, Hungary at Spain.