Noong Nobyembre 9-17, bumisita sa Argentina, Brazil at Costa Rica si Wang Dinghua na Tagapangulo ng Konseho ng BFSU kasama ang grupo niya. Dumating sila sa University of Belgrano, Universidad Nacional de Hurlingham, Centro ng pagsasaliksik sa Argentina-Tsina ng Kagawaran ng Agham Panlipunan ng Universidad de Buenos Aires, Federal University for Latin American Integration, Confucius Institute ng Pontifical Catholic University of Rio de Janeiro, State University of Distance Education ng Costa Rica at University for Peace upang pirmahan ang mga kasunduan sa kooperasyon, palawakin ang mga bagong direksyon ng edukasyon at pagtutulungan, hanapin ang mas maraming pagkakataon sa kooperasyong distansya edukasyon at internship o pagtatrabaho para sa mga estudyante at talakayin ang bagong konsepto sa pagtatayo ng Confucius Institute at kooperatiba na edukasyon. Dumating rin sila sa Consulate-General ng PRC sa Rio De Janeiro, Embahada ng PRC sa Brazil at Embahada ng PRC sa Costa Rica upang makipag-ugnayan sa mga tauhan ng embahada at mga alumni sa BFSU. Habang bumibisita sila, makipag-usap naman si Wang Dinghua at ang kanyang grupo sa multi-lingual na pakikipagtulungang internasyonal na komunikasyon sa delegasyon ng China Educational Television, at bumisita rin sa mga guro at estudyante sa pangkat na pananaliksik sa Amerikang Latino na nagsasagawa ng BFSU 2023 pandaigdigang pagsasanay sa internship.