Noong Disyembre 7-9, naganap ang 2023 Pandaigdigang Kumperensya ng Wikang Tsino sa Beijing sa Pambansang Sentrong Kombensyon o China National Convention Center. Ang tema ng kumperensya nito ay “Wikang Tsino para sa Mundo, Pagkabukas para sa Kinabukasan”. Dumalo sa kumperensya ang higit sa 2,000 tao kabilang sa mga iskolar sa loob at labas ng bansa, mga opisyal ng pamahalaan, kinatawan ng mga organisasyong internasyonal at pinuno ng mga institusyong internasyonal pangwika at pangkultura. Dumalo pa rin dahil sa imbitasyon sina Wang Dinghua, Tagapangulo ng Konseho ng BFSU, Jia Dezhong, miyembro ng Konseho at pangalawang presidente ng BFSU, Jia Wenjian, pangalawang tagapangulo ng Konseho at pangalawang president at iba pa. Nagtalumpati sila sa maraming mga porum, at namuno sa mga sub-forum at dumalo sa pangunahing porum at kumperensya para sa lahat.