Noong ika-6 ng Enero, nag-host ang BFSU at nag-organisa ang Academy of Regional and Global Governance ng BFSU New Year Forum 2024——China-Europe Public Diplomacy Dialogue online at offline. Kalahok dito ang higit sa 100 kinatawan mula sa mga insititusyon tulad ng Ministry of Foreign Affairs, International Department of the Central Committee of the CPC, Ministry of Commerce, Chinese People’s Association for Friendship with Foreign Countries, Development Research Centre of the State Council, Chinese Association for European Studies, Delegation of the European Union to China at China Chamber of Commerce to the EU, at mula sa mga unibersidad, pangunahing institusyon ng pananaliksik at medya. Dumalo at nagtalumpati sa aktibidad si president of BFSU and deputy secretary of the CPC BFSU committee Yang Dan.
Naiganap sa pulong ang inagurasyon ng Center of the European Union and Regional Development Studies (CEURDS) at ang seremonya ng appointment sa mga akademikong tagapayo at miyembro ng komiteng akademiko.
May dalawang paksa sa pangunahing porum na pinapamagatang Mga Sampol ng Europa sa Pag-aaral ng Bansa at Rehiyon at Diyalogo at Kooperasyon ng Tsina-Europa sa isang Multipolar na Mundo; may iba namang paksa sa sub-porum na pinapamagatang Ang Pag-unlad at Pamamahala ng Modernisasyon ng Istilong Europeo at Multipolaridad, Laro ng mga Makapangyarihang Bansa at Relasyon ng Tsina-Europa. Kalahok sa malalim na pagtatalakay ang mga eksperto at iskolar mula sa mga unibersidad at insititusyon ng pananaliksik.
Pagkatapos, naiganap ng BFSU at China Public Diplomacy Association ang China-Europe Public Diplomacy Forum na may paksang Palakasin ang Pag-unawa at Lutasin ang mga Pagkakaiba. Inimbitahan ang mga kinatawan ng Tsina at Europa mula sa larangan ng politika, edukasyon at negosyo upang pag-usapan ang kapayapaan, pag-unlad at sibilisasyon at ibahagi ang karanasan, matuklas ang bagong kaalaman at maabot ang pinagkasunduan.