Noong Abril 29, bumisita sa BFSU si Clifton Grima, ministro ng Kagawaran ng Edukasyon, Isports, Kabataan, Pananaliksik at Pagbabago ng Malta. Nagsalubong sa delegasyon ni Grima si Jia Wenjian, presidente ng BFSU at deputy secretary of the Party committee, at si Zhao Gang, bise-presidente ng BFSU at standing committee of the Party committee.
Ibinigay ni Grima ang talumpating pinapamagatang Komprehensibong Pag-unlad ng Mga Batang Talento at sinagot ang mga tanong ng mga guro at estudyante tungkol sa sistema ng mataas na edukasyon, empowerment ng kabataan, edukasyon at pagbabago, at pag-unlad ng pagsama-sama ng isport at pag-aaral ng Malta.
Bago ang talumpati, kumanta ang mga estudyante mula sa kurso ng wikang Maltes ng Xemx (Araw) at nakatanggap ng mainit na palakpakan ng mga dalaw. Bumisita rin ang delegasyon ni Grima sa Museo ng Wika ng Daigdig.