UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Departamento ng Siyensiyang Pangkompyuter

Ang Departamento ng Siyensyang Pangkompyuter (Department of Computer Science, DCS) ay itinatag noong 2009, batay sa sinundan nitong Sentro ng Kompyuter, na itinatag noong 1990. Tumatanggap ito ng mga estudyanteng nagnanais na maging espesyalista sa siyensiya’t teknolohiyang pangkompyuter at naglalayong humubog ng mga propesyonal sa larangan ng kompyuter, na may perspektibong pandaigdig at inter-disiplinaryong background na pang-edukasyon.

Sa kasalukuyan, ang DCS ay may 11 guro at karamihan sa kanila ay may digring doktoral o mataas na titulong propesyonal. Nitong limang taong nakalipas, nakumpleto ng departamento ang dalawang proyektong pinamuhunanan ng Pambansang Pondo ng Agham na Pangkalikasan ng Tsina, dalawang proyektong sinuportahan ng Pambansang Pondo ng Agham na Panlipunan, at 6 na proyekto sa antas na probinsyal o ministeryal. Bukod dito, nagpasa rin ang mga kawani ng departamento ng papers sa mga komperensiyang pandaigdig at naglathala ng mga artikulong akademiko sa mga dyornal na Tsino at dayuhan na kinabibilangan ng 26 na artikulong nalathala sa  SCI, EI at CSSCI.

Naglalayon ang departamento na humubog ng mga propesyonal na nagpakadalubhasa sa saligang teorya at kahusayan na may kinalaman sa hardware at software ng kompyuter at aplikasyon ng mga ito, at nagsasanib ng kakayahang pangwika, kaalamang pangnegosyo at kahusayan sa kompyuter para makahabol sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiyang pang-impormasyon at globalisasyong pangkabuhayan.

Sa kasalukuyan, ang departamento ay may 93 estudyanteng undergraduate. Nakapagpamalas sila ng galing sa iba’t ibang uri ng paligsahan; halimbawa, nanalo sila ng pangalawang gantimpala sa Challenge Cup National Undergraduate Extracurricular Scientific Work Competition, unang gantimpala sa China College Students Computer Design Contest at di-kakaunting premyo sa Mathematical Contest in Modeling.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC