UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Paaralan ng Ruso (SOS)

发布时间:2019-05-16

Ang Paaralan ng Ruso (School of Russian, SOS) na itinatag noong 1941, ay ang programa ng BFSU na may pinakamahabang kasaysayan.

Ang Paaralan ay kinilala ng pamahalaang munisipal ng Beijing bilang pangunahing disiplina. Nag-aalok ito ng mga programang pang-bachelor, pang-master at pang-PhD. Sapul noong Setyembre 2015, ang Paaralan ay mayroon nang 284 na undergraduate, 46 na master candidate, 21 na doctoral candidate, 6 na nagsasagawa ng pananaliksik na pos-doktoral, at 5 estudyanteng dayuhan.

Sa kasalukuyan, ang Paaralan ay may 23 kawani na kinabibilangan ng 19 na guro at 4 na kawaning tagapagsuporta. Labing-anim (16) sa 23 kawani ang may digring doktoral. Kabilang sa 19 na guro ay 8 ganap na propesor (na kinabibilangan ng 5 doctoral supervisor), 8 asistenteng propesor, 3 lektyurer at isang dalubhasang dayuhan. Hanggang sa kasalukuyan, 5 na sa mga guro ng Paaralan ang nakapagwagi ng Pushkin Prize–kataas-taasang karangalan sa daigdig ng panitikang Ruso. Dalawampung Tsino ang nagwagi ng nasabing gantimpala hanggang sa kasalukuyan. May mga guro ring nagwagi ng iba pang mga gantimpalang Ruso tulad ng Presidential Prize, Friendship Prize at Maxim Gorky Literature Prize. Ang mga nukleong teksbuk ng wikang Ruso na sinulat ng mga guro ng Paaralan ay nakatanggap ng mga gatimpala ng pamahalaang munisipal ng Beijing at pamahalaang sentral ng Tsina, at ginagamit ang mga ito ng mahigit 100 kolehiyo at pamantasan sa Tsina.

Ang Paaralan ay nakatutok sa mga programa ng pagtuturo at pananaliksik na may kinalaman sa lingguwistika, panitikan, pagsasalin, kultura, pag-aaral na panrehiyon, relasyong pandaigdig, pulitikang pandaigdig, kabuhayang Ruso at iba pa. Para sa mga estudyanteng undergraduate, nag-aalok ang Paaralan ng mga kurso para mapataas ang kanilang kakayahang panwika na gaya ng gramar, pakikinig, pagbabasa, pagsasalin at pagsusulat, at gayundin ng mga kurso para mapayaman ang kanilang kaalaman hinggil sa Rusya na gaya ng heograpya ng Rusya, kasaysayan, kultura, panitikan, araling panlipunan at panrehiyon, kabuhaya’t kalakalan at relasyong panlabas. Ang mga programang pang-master at pang-PhD ay nakatutok sa makabagong wikang Ruso, panitikang Ruso, araling panlipunan at pangkulturang Ruso at maging sa mga araling panrehiyon.

Nakapaghubog ang Paaralan ng mga propesyonal na may malaking kakayahang pang-wika at malalim na kaalaman. Natatanging magaling ang mga estudyante ng Paaralan sa Pagsusulit para sa Russian Majors Band 4 at Band 8, at nagwagi rin ng mga gantimpala sa mga pambansang paligsahan para sa Russian majors.

Kasabay ng ibayo pang pag-unlad ng estratehikong partnership ng Tsina at Rusya at kanilang relasyong pangkalakalan, nagtatamasa ang mga nagtapos sa Paaralan ng magandang pagkakataong pangkarera. Halos 100% ang employment rate ng mga nagtapos at nagtatrabaho sila sa mga departamento ng pamahalaan, bahay-kalakal na ari ng estado ng Tsina, kompanyang Rusyo na nakabase sa Tsina at iba pa.

Naitatag ng Paaralan ang mahigpit na partnership sa mga pamantasang Ruso na gaya ng Moscow State University, Moscow State Institute of International Relations, Moscow State Linguistic University, Pushkin State Russian Language Institute, People’s Friendship University of Russia at Saint Petersburg State University. Bawat taon, ang Paaralan ay nagpapadala ng mga estudyante at guro para sa pang-madaliang programa ng pag-aaral. Kasabay nito, tumatanggap din ang Paaralan ng mga estudyanteng dayuhan para mag-aral sa mga programang pang-undergraduate at pang-postgraduate ng wikang Ruso.

Upang matugunan ang hamong dulot ng pagbabago at upgrading ng edukasyon, nakahanda ang Paaralan na samantalahin ang malaking kakayahan sa wika at panitikan nito para idebelop ang pamamaraan ng pagtuturo ng wika na may lebel na pandaigdig at ang modelong may katangiang Tsino, at hubugin ang de-kalidad na tagapagsalin at tagapagpakahulugan, mga propesyonal sa pananaliksik at pangangasiwa para sa pag-aaral na panrehiyon, at maging mga propesyonal na nasa larangan ng pagpapalitang pangkulturang Sino-Ruso.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC