UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Global Civilization Forum, Initanghal ng BFSU

发布时间:2023-09-23

Noong Setyembre 16, 2023, ika-10 anibersaryo ng BRI, idinaos sa himnasyo sa silangang campus ang Global Civilization Forum na initanghal ng BFSU. Ang porum na may temang “Pakikipagtalastasan sa Pandaigdigang Sibilisasyon at Pagpapahusay ng Internasyonal na Pag-unawa”, na naglalayong isulong ang pagpapalitan at mutual na pag-aaral sa magkakaibang sibilisasyon, ipatupad ang Global Civilization Initiative at isulong ang pagtatayo ng isang komunidad na may ibinahaging kinabukasan para sa buong sangkatauhan. Dumalo sa porum ang higit sa 600 tao kabilang sa mga kinatawan mula sa mga departamento ng gobyerno at unibersidad sa loob at labas ng bansa, mga eksperto at iskolar at mga guro at estudyante sa BFSU.

Nagtalumpati si Wang Dinghua, tagapangulo ng Konseho ng BFSU na pinamagatang “Ipakita ang Misyon at Responsibilidad ng Unibersidad aa Pagsasagawa ng Pandaigdigang Sibilisasyon”. Nagtalumpati pa rin sina Guo Yezhou, pangalawang ministro ng CCCPC, Irina Bokova, dating direktor na heneral ng UNESCO, at Pathmalal M. Manage, Presidente ng University of Sri Jayewardenepura.

Sa porum idinaos ang seremonya ng pagpapalabas ng mga resulta ng BRI pambansang edukasyong kultura at inilunsad ang Global Language Service Platform. Bukod dito, inilabas ang Index of Factors Contributing to International Understanding na nagpakita ng misyon ng BFSU sa itong bagong panahon.

Nagtalumpati si Yang Dan, pangalawang tagapangulo ng Konseho at presidente ng BFSU na pinamagatang “Isulong ang Pagpapalitan ng mga Sibilisasyon at Pahusayin ang Pang-internasyonal na Pag-unawa”. Nagtalumpati rin sina Ismail Debeche, tagapangulo ng Algeria-China Friendship Association, Chatree Maneekosol, executive chancellor ng Chiang Mai Rajabhat University, Roger T. Ames, pangulo ng International Confucian Association at Visiting Professor ng BFSU, Tim C. Winter, propesor ng National University of Singapore, Zhang Longxi, miyembrong banyaga ng Royal Swedish Academy of Letters, History and Antiquities at Academia Europaea na pinamagatang “Tutukin ang Diyalogo ng Tsina-Arab at Tuklasin ang Diyalogo sa Pagitan ng mga Sibilisasyon at Kinabukasan ng Mundo”, “Pandaigdigang Sibilisasyon at Internasyonal na Pag-unawa”, “Diyalogo ng mga Sibilisasyon bilang Bagong Balangkas para sa Pakikipag-ugnayan sa Posibleng Pandaigdigang Utos”, “Kinabukasan ng Sibilisasyon at BRI” at “Tratuhin ang Iba nang Maluwag Tulad ng Pagtrato sa Iyong Sarili: Pamamaraan sa Diyalogo at Magkakasamang Buhay”.

Itinampok sa porum ang mga tema tulad ng “Isang Komunidad na May Ibinahaging Kinabukasan: Mga Hamon at Kinabukasan”, “Wika at Sibilisasyong Sangkatauhan”, “Internasyonal na Komunikasyon at Pag-Unawa na Cross-Cultural”, “Pagkakapantay-pantay sa Edukasyon at Kinabukasan ng Mundo”, “Ika-10 Anibersaryo ng BRI at Kooperasyong Pang-edukasyon ng RCEP”, “Pandaigdigang Sibilisasyon at Responsibilidad ng Kabataan”, “Pagpuksa sa Kahirapan, Napapanatiling Pag-unlad at Mga Bagong Anyo ng Sibilisasyong Sangkatauhan” at iba pa.




No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC