Noong Hunyo 30, idinaos ng BFSU ang 2023 seremonya ng pag-alis ng internship practice ng mga estudyante sa ibang bansa. Dumalo sa seremonya ang mga bisita mula sa iba’t ibang mga institusyon gaya ng Kagawaran ng Edukasyon, Civilization Office of the Central Communist Party Committee, Youth League central committee, China Railway Construction, China Communications Construction, Fu Wah International Group, Bank of China, Alibaba Group, Jd.Com, Inc., China Daily, Xinhua News Agency at People's Daily Online.
Nagtalumpati si Yang Dan, pangalawang tagapangulo ng konseho at presidente ng BFSU na pinamagatang “Tuparin ang Misyong Pandaigdigan at Ipakita ang Imahe ng Tsina”. Ngkahiwalay na nagsalita sina Wang Jianbin, guro na nangungunang proyektong “Ang pag-unawa ng Germany sa Belt and Road Initiative”, Ning Qiang, guro na nangungunang grupong “Surbey sa magkakaibang mga sining na etniko at kultura ng mga bansa sa Belt and Road”, Ling Fu, miyembro ng proyektong “delegasyong akademikong ‘Pasok sa Kagubatang Birch’” at Shen Yishu, miyembro ng proyektong “Silid-aralang Caravan”.
Inihayag ni Yang Dan ang pag-alis ng mga grupo sa ibang bansa. Pagkatapos nito, naghandog ang mga bisitang dumalo sa seremonya ng mga bandila sa mga nangungunang guro ng 43 mga grupo sa BFSU.
Ang Internship Practice ng Mga Estudyante sa Ibang Bansa: Pandaigdigang Kalinangan at Responsibilidad ng Kabataan ay unang proyekto ng mga kolehiyo sa bansa na may tema ng pagpunta sa ibang bansa para sa pagsasanay sa internship, inilalapat ng mga guro sa bawat major at para sa lahat ng mga mag-aaral sa paaralan. Sa 2023, magpapadala ang BFSU ng 43 grupo na higit sa 500 guro at estudyante sa limang kontinente sa ibang bansa upang magsagawa ng mga internship.