Inilathala kamakailan ang apat na aklat na Kultura at Edukasyon ng India, Kultura at Edukasyon ng Iran, Kultura at Edukasyon ng Cuba at Kultura at Edukasyon ng Kenya sa serye ng aklat tungkol sa kultura at edukasyon ng mga bansang BRI, kaya inilathala na ang 20 monograph sa seryeng ito. Sumasaklaw ang laman nila sa mga pambansang kondisyon, kulturang tradisyon at kasaysayan ng edukasyon ng mga bansa at rehiyon sa BRI, kabilang ang Albania, United Arab Emirates, Ethiopia, Angola, North Macedonia, Republic of Congo, Cuba, Kenya, Mongolia, Morocco, Mozambique, Nepal, Senegal, Tajikistan, Tanzania, Ukraine, Singapore, Iran, India at Jordan. Nakikita rin sa mga aklat ang edukasyong preschool, basic, higher, vocational at adult ng mga bansa, pagsasanay ng guro, patakarang pang-edukasyon, pangangasiwa at pakikipagpalitan sa Tsina na nagbibigay ng sanggunian, mungkahi at inspirasyon para sa reporma at pag-unlad ng edukasyong Tsina.