Noong ika-1 ng Agosto, nasimulan ng BFSU ang online summer camp na “Ang Kagandahan ng Kultura” para sa mga estudyanteng Rusong gustong matutunan ang wikang Tsino. Dumalo sa seremonya ng pagsisimula si Innara Guseinova, ang bise-presidente ng Moscow State Linguistic University (MSLU), at si Jia Wenjian, ang deputy secretary of the CPC BFSU committee at bise-presidente ng BFSU.
Tinatangkilik ang summer camp ng Center for Language Education and Cooperation ng Kagawaran ng Edukasyon. Pinaghandaan ito ng BFSU Office of Confucius Institutes at iginanap ito ng Foreign Language Teaching and Research Press. Ito ang programa tungkol sa kultura ng bansa na ihinanda ng BFSU Office of Confucius Institutes para sa mga Rusong gustong matutunan ang wikang Tsino. Itinagal ng aktibidad ang walong araw. Bibigyan-pansin ng programa ang karanasan ng pag-aaral ng wikang Tsino at kulturang Tsino. Ayon sa kakayahan sa wikang Tsino at interes ng mga miyembro, may iba’t ibang uri ng kurso. Kalahok dito ang 207 estudyante mula sa higit sa 60 paaralan ng 31 lungsod sa Rusya.
Sa tag-init ng 2022, iginanap na ng BFSU Office of Confucius Institutes ang sampung beses na online programang “Chinese Bridge” na kinabibilangan ng anim na summer camp para sa mga tao ng Rusya, Vietnam, Malay, Pransiya at Arabya at apat na summer camp para sa mga mag-aaral ng wikang Tsino sa buong mundo. May iba’t ibang paksa ang summer camp, tulad ng “Imersyon·Impresyon”, “Ang Engkwentro sa Tsina”, “Ang Kagandahan ng Kultura”, “Ang Kagandahan ng Titik ng Wikang Tsino” at “Ang Masarap na Pagkain ng Tsina” at iba pa. Hanggang ngayon, higit sa sanlibong tao ang nagrehistro sa sampung summer camp. Nagsimula na ang limang summer camp.