UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Porum ng Reporma at Kaunlaran ng Pagtuturo ng Wikang Banyaga sa Batayang Edukasyon, Naganap sa BFSU

发布时间:2022-05-21

Noong ika-13 ng Mayo, naganap sa BFSU ang high-end na porum ng reporma at kaunlaran ng pagtuturo ng wikang banyaga sa batayang edukasyon. Ang porum ay na-host ng BFSU, sinuportahan ng Chinese Society of Education (CSE) at niorganisa ng Foreign Language Teaching and Research Press (FLTRP) at BFSU Admission Office para sa Undergraduate Students.

Nagbigay si Zhu Yongxin, miyembro ng standing committee and deputy secretary-general ng National Committee of the Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC) at bise tagapangulo ng Central Committee of the China Association for Promoting Democracy (CAPD) ng talumpating pinapamagatang Pinag-uusapan ang Reporma at Pagkamapanlikha ng Batayang Edukasyon Mula sa “Kalakihang Edukasyon at Kalakihang Pagbabasa”. Nagbigay si Lyu Yugang, director-general ng Department of Basic Education at the Ministry of Education (MOE), ng talumpating pinapamagatang Pagbabago sa Tradisyon at Pagpapasulong ng Magandang Pag-unlad ng Batayang Edukasyon. Nagbigay si Wang Dinghua, Party secretary ng CPC BFSU committee, ng talumpating pinapamagatang Misyon at Responsibilidad ng Gurong Tsino ng Wikang Banyaga sa Bagong Panahon.

Kalahok dito ang mga tagapangulo ng Kagawarang Administratibo ng Edukasyon, mga guro ng wikang Ingles, mga presidente at mga tagapamahala ng pagtuturo mula sa mababang paaralan at mataas na paaralan, mga tao mula sa larangan ng edukasyong internasyonal, mga miyembro ng International Talent Training Base Alliance ng BFSU at mga miyembro ng CSE. Nagsitalakay sila tungkol sa paksang Pagbabago sa Tradisyon at Pagtuturo---- ang Reporma ng Batayang Pagtuturo ng Wikang Banyaga at Pag-unlad ng Larangan ng Guro sa Bagong Panahon.

Naganap din ang aktibidad na pinapamagatang Paglilimbag ng Taunang Ulat ng Batayang Wikang Banyaga at Solusyon ng Paglilingkod ng Edukasyon.




No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC