UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

​Mga Boluntaryo ng BFSU Para sa Beijing 2022, Ginawaran ng Beijing Organizing Committee

发布时间:2022-04-30

Noong ika-19 ng Abril, naganap ang Parangal ng 2022 Olympic and Paralympic Winter Games sa Shougang Industrial Park ng Beijing.

Ginawaran ang BFSU voluntary service team at Beijing 2022 multilingual call center bilang mga advanced group ng Beijing 2022. Ginawaran ang mga boluntaryo, sina Liu Zhipeng at Yewen Xiaoyu bilang mga advanced individual. Kalahok dito si Yang Dan, deputy Party secretary ng CPC committee ng BFSU at presidente ng unibersidad, at 20 kinatawan ng guro at estudyante na nagboluntaryo para sa Beijing 2022.

Noong panahon ng Beijing 2022, itinalaga ng BFSU ang 900 boluntaryo para maglingkod sa 10 competition zone sa Beijing at Zhangjiajie at 13 non-competition venue na kinabibilangan ng 3 Winter Olympic village, mga Medal Plaza, headquarter ng Beijing organizing committee, Main Media Center, Zhangjiakou Mountain Broadcasting Center at mga contracted hotel. Kung ihahambing sa ibang mga unibersidad, sumali ang pinakamaraming boluntaryo ng BFSU at naglingkod sa pinakamalawak na venue para sa Beijing 2022. Samantala, naitayo ng BFSU ang multilingual call center na nagbibigay ng lingkod ng wika para sa mga delegasyon habang Beijing 2022.


No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC