Noong ika-26 ng Setyembre, iginanap ang pagdiwang ng ika-80 anibersaryo ng BFSU. Isinulat ni Pangulong Xi Jinping ng liham ang mga matatandang propesor ng BFSU upang bumati sa ika-80 anibersaryo ng BFSU at maghatid ng taimtim na pagbati sa lahat ng guro, estudyante, tauhan at alumni ng BFSU.
Nagsaad si Zhong Denghua, Pangalawang Ministro ng Kagawaran ng Edukasyon, na nakalalabas mula sa BFSU ang maraming taong matalino at magaling sa ugayang panlabas, diplomasya, kalakalang panlabas at wikang banyaga sa loob ng 80 taon. Inaasahan niyang magsasanay ang BFSU ng mas maraming taong may-talino, makabansa, may pananaw na global at mahusay sa kakayahang propesyonal. Sambit niya, dapat palakasin ang grupo ng guro. Dapat ipamana ng mga matandang propesor ang kakayahan nila sa mga bagong guro at gabayan ang mga estudyante bilang pambato.
Bumati si Movses Abelian, Pangalawang Kalihim-Heneral ng Mga Bansang Nagkakaisa (UN). Binanggit niya ang kasaysayan ng pakikipag-ugnayan ng UN at BFSU at inaasahang tuluyang mag-ambag ang BFSU sa pagsasanay ng taong magaling sa wikang banyaga.
Ipinakita ni Wang Dinghua, Kalihim ng Partido ng BFSU, ang tapat na pagsasalamat at paggalang sa mga taong sumusuporta sa pag-unlad ng BFSU. Nagsaad siyang sa loob ng 80 taon nauuna ang BFSU sa pag-unlad ng edukasyon ng wikang banyaga ng Tsina at pakikipag-ugnayan ng kabihasnan ng iba’t ibang bansa. Isinusulong ng BFSU ang progreso ng pagpapakilala ng Tsina sa buong daigdig. Bigyan-diin niya, ang taong 2021 ay unang tao ng Tsina na magsimula ng pagsisikap para sa hangarin ng ikalawang dantaon upang maitatag ang mas malakas na modernong bansa ng sosyalista sa lahat ng aspekto. Dapat tayong mag-ambag sa pagpapakilala ng Tsina sa buong daigdig simula sa pagdiriwang nito.
Nagsaad si Yang Dan, Presidente ng BFSU tungkol sa kasaysayan at kinabukasan ng BFSU. Ang BFSU ay tagagabay ng edukasyon ng wikang banyaga ng Tsina, aniya. Sa mga pangyayaring makasaysayan ng bansa at mahalagang aktibidad internasyonal, palaging nariyan ang taong nanggagaling sa BFSU upang magkakilala ang Tsina at ibang bahagi ng daigdig. Kapag nakatayo sa bagong simula, magtatatag ang BFSU ng internasyonal, natatangi at komprehensibong unibersidad na mauuna sa mga unibersidad ng buong daigdig. Magsisikap ang BFSU sa pagiging eksplorador ng intelihensiya ng wikang global, propesyonal ng reporma ng edukasyon ng wika at tagagabay ng pagbabago at pag-unlad ng mga unibersidad ng wikang banyaga, sambit niya.
Nagtalumpati si Hao Ping, Presidente ng PKU bilang kinatawan ng mga Tsinong unibersidad na dahil sa pag-unlad ng 80 taon, naging unibersidad na may pinakamaraming kurso ng wikang banyaga sa buong daigdig at may mataas na reputasyong akademiko at malawak na inpluwensiya. Bumati si Victor Antonovich Sadovnichy, Presidente ng Lomonosov Moscow State University sa pamamagitan ng bideo bilang kinatawan ng mga unibersidad ng ibang bansa. Bumati naman si Ali Obaid Al Dhaheri, embahador ng United Arab Emirates sa Tsina bilang kinatawan ng mga embahador ng ibang bansa sa Tsina. Nagtalumpati si Zhang Yesui, Pangulo ng Komite ng Ugnayang Panlabas ng Pambansang Kongresog Bayan bilang kinatawan ng mga alumni. Nagtalumpati naman si Propesor Ren Wen, dekano ng Graduate School of Translation and Interpretation ng BFSU bilang kinatawan ng mga guro.
Kalahok sa pagdiriwang si Zheng Jichun, deputy secretary ng Beijing Municipal Education Commission, si Li Zhaoxing, dating Ministro ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, si Qiu Yuanping, vice-director ng CPPCC Committee on Liaison with Hong Kong, Macao, Taiwan and Overseas Chinese, si Chen Jianfei, Lieutenant General at deputy political commissar ng Armed Police Forces. Kalahok din dito ang mga tauhan ng larangan ng ugnayang panlabas, diplomasya, kalakalang panlabas at wikang banyanga.