Noong ika-23 ng Oktubre, naganap ang pulong ng Sangay na Edukasyong Internasyonal ng CSE (Chinese Society of Education) at ikalawang porum ng edukasyong panulad at edukasyong internasyonal ng BFSU.
Dumalaw sa akdibidad si Qin Changwei, kalihim panlahat ng Pambansang Komisyon ng Tsina ng UNESCO at si Wang Dinghua, pangulo ng Sangay na Edukasyong Internasyonal ng CSE at Tagapangulo ng Konseho ng BFSU.
Nagbigay si Wang Dinghua ng talumpating tinatawag na “pagpapalakas ng kakayahan ng Tsina sa palakad ng edukasyong pandaigdig”. Ipinahayag niyang upang magpalakas ng kakayahan ng Tsina sa palakad ng edukasyong pandaigdig, kailangang bigyan-pansin ang pagsanay ng taong matatalino sa edukasyong pandaigdig at ang pananaliksik ng larangang ito. Kailangang magpalakas ng kakayahang magsalaysay ng kuwento ng edukasyon ng Tsina. Dapat bigyan-pansin ang pakikipag-ugnayan sa mga institusyong internasyonal at ang pagpapatayo ng plataporma ng palakad ng edukasyong pandaigdig.
Naisagawa ang seremonya ng paggagawad ng UNESCO-APEID Wenhui Award for Educational Innovation sa seremonya ng pagsisimula. Ginawaran ang proyekto ng Maldives National University na tinatawag na “may pasok habang epidemya: bideo kurso ng TV channel ng bansa” at proyekto ng Resources Himalaya Foundation (RHF) ng Nepal na tinatawag na “pagpapalakas ng edukasyong pang-agham, paglaban sa COVID-19”.