Idinaos sa istadyum sa East Campus ang seremonya ng pagbubukas ng Taong Panuruang 2021 noong Setyembre 7. Nagsimula ang bagong buhay sa unibersidad ng mga 3,400 estudyante na undergraduate, postgradweyt, doktor at internasyonal. Dumalo sa seremonya si Wu Hongbo na dating Kalihim-Panlahat ng Mga Bansang Nagkakaisa, Pantanging Kinatawan ng Europa ng Pamahalaang Tsina at alumno ng School of English and International Studies ng BFSU na pumasok sa paaralan noong 1973, si Wang Dinghua na Tagapangulo ng Konseho ng BFSU, si Yang Dan na Presidente ng BFSU, si Jia Wenjian na Pangalawang Tagapangulo ng Konseho at Presidente, si Sun Youzhong na Miyembro ng Permanenteng Komite at Pangalawang Presidente, si Hu Zhigang Pangalawang Tagapangulo ng Konseho at Kalihim ng Komite para sa Inspeksyon sa Disiplina, si Su Dapeng na Pangalawang Tagapangulo ng Konseho, si Ding Hao at si Zhao Gang na Miyembro ng Permanenteng Komite at Pangalawang Presidente. Mainit na tinanggap binati ang mga bagong estudyante ni Yang Dan, na siyang naghatid ng talumpati na “Batay sa Wika, Higit sa Wika, Maging Kontribyutor Para sa Pagsulong Pandaigdig”.