UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Ministrong panlabas ng Hapon, dumalaw sa BFSU

Dumalaw noong Abril 13, 2019 sa Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU) si Taro Kano, Ministrong Panlabas ng Hapon, at nakipag-usap sa mga guro at mag-aaral mula sa Sentro ng Beijing para sa Pananaliksik na Hapones. Kinatagpo rin si Taro Kano at ang kanyang entorahe nina Wang Dinghua, Tagapangulo ng Konseho at Jia Dezhong, Pangalawang President eng BFSU.

Ipinahayag ni Tagapangulong Wang ang mainit na pagtanggap sa mga panauhing Hapones. Naniniwala aniya siyang ang mga pagdadalawan sa mataas na antas sa pagitan ng Tsina at Hapon ay magpapasulong ng bilateral na relasyon, sa bagong yugto ng pagpapalitan at pagtutulungan, kung saan nakatakdang idaos ang G20 Summit sa Hapon sa darating na Hunyo. Saad ni Wang, ang pagdalaw ng ministrong Hapones sa BFSU ay may mahalagang katuturan sa pagpapasulong ng pagpapalitang Sino-Hapones at pag-aaral na Hapones ng BFSU. Salaysay rin ni Wang, kasabay ng pagsisikap ng BFSU para sa paghuhubog ng mga talentong marunong sa iba’t ibang larangan at pagpapasulong ng pakikipagpalitang pandaigdig, naitatag nito ang partnership sa ilang prestihiyosong pamantasang Hapones. Ang Sentro ng Beijing para sa Pananaliksik na Hapones ng BFSU na nasa magkasamang pagtataguyod ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina at Japan Foundation ay siyang tanging institusyon na itinatag ng pamahalaang Hapones sa ibayong dagat na may mga programang postgraduate hinggil sa pag-aaral na Hapones. Nitong mahigit 30 taong nakalipas sapul nang itatag ang nasabing sentro, 1421 tauhan ang nakapagtapos ng kani-kanilang pag-aaral na pang-master at pang-PhD o pag-aaral na pangkarunungan sa mataas na lebel. Masasabing nagiging huwaran ang sentro sa pagpapasulong ng pagpapalitang pantao ng Tsina’t Hapon, dagdag pa ni Wang. Ipinahayag din ni Wang ang kahandaan ng BFSU na pahigpitin ang pakikipagtulungan sa mga pamantasan at akademya.

Pinasalamatan naman ni Taro Kono ang mainit na pagtanggap ng BFSU. Saad ni Kono, ipinagdiriwang ngayong taon ng Tsina ang ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, at tumatak sa isip niya ang kaligayahan ng mga mamamayang Tsino at mga positibong pag-unlad ng bansa, kumpara sa 40 taon na ang nakakaraan nang dumalaw siya sa bansa. Ibinahagi rin ni Kono ang sariling karanasan ng pag-aaral sa labas ng Hapon at naniniwala siyang ang pagpapalitan sa pagitan ng mga kabataan ay makapagpapahigpit ng ugnayan at makapagpapasulong ng pag-uunawaan ng dalawang bansa. Umaasa aniya rin siyang gaganap ang sentro ng mas malaking papel sa pagsasanay ng mga propesyonal na makapag-aambag para sa mas malakas na relasyong Sino-Hapones sa hinaharap.

Pagkatapos, nakipagtalakayan si Ministro Kono sa sampung kandidatong master at doktor mula sa naturang sentro. Inulat ng mga mag-aaral ang hinggil sa kanilang pananaliksik at planong propesyonal. Hinikayat naman ni Kono ang mga mag-aaral na pagalingan pa at inabot ang magandang hangarin para sa kanilang kinabukasan. Ipinagdiinan din niya ang kahalagahan ng harapang pagpapalitan sa pagpapasulong ng pag-uunawaan.

Dumalaw din si Ministro Kono sa aklatan at silid-aralang multimedia ng sentro, at isang espesyal na pagtatanghal ng mga litrato bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng pagkakalagda ng Tsina’t Hapon sa Tratadong Pangkapayapaan at Pangkaibigan.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC