UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Anim na bagong programang pambatsiler, inilunsad; 101, kabuuang wikang itinuturo ng BFSU

Ipinalabas kamakailan ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina ang pinagtibay na listahan para sa taong 2018 ng mga bagong programa ng iba’t ibang unibersidad ng bansa. Anim na bagong programang pambatsiler ng Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU)ang naitala sa nasabing listahan. Kabilang dito ay Tamazight, Javanese, Punjabi, Dayuhang Wika’t Kasaysayan, Komunikasyon, at Pandaigdigang Organisasyon at Pandaigdig na Pangangasiwa.

Sa kasalukuyan, may 121 programang pambatsiler sa kabuuan ang BFSU. Kabilang dito, 102 programang kinabibilangan ng Pagsasalin at Pagpapakahulugan at Dayuhang Wika’t Kasaysayan ang itinuturo sa pamamagitan ng mga wikang dayuhan samantalang 19 na programa ang itinuturo sa wikang Tsino. Apatnapu’t lima (45) sa naturang mga programa ang ipinagkakaloob lamang ng BFSU sa Tsina.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC