UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Iskolar ng BFSU, lumahok sa seminar hinggil sa relasyong Sino-Indones

发布时间:2019-05-16

Idinaos noong Nobyembre 27 sa Jakarta, Indonesia ang Seminar hinggil sa relasyon ng Tsina’t Indonesia bilang pagdiriwang sa ika-5 anibersaryo ng pagkakatatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Lumahok sa seminar si Propesora Sun Xiaomeng, Dean ng Paaralan ng Pag-aaral na Asyano at Aprikano at Ehekutibong Direktor ng Sentro ng Pananaliksikhinggil sa Pagpapalitang Pantao ng Tsina’t Indonesia ng Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU). Bumigkas din si Gng. Sun ng talumpating pinamagatang “Pagpapalitan at Pagtutulungang Pantao ng Tsina’t Indonesia sa ilalim ng Belt and Road Initiative.”

Si Propesora Sun (nakatayo) habang nagtatalumpati 

Aabot sa 200 kinatawan mula sa mga sector ng pulitika, negosyo, akademiko, at iba pa ang dumalo sa seminar. Nagtalakayan at nagdiyalogo sila hinggil sa bilateral na relasyong Sino-Indones, pagpapalitan at pagtutulungang pangkabuhayan, pangkalakalan at pantao. Layon nitong magbigay ng kuru-kuro at mungkahing akademiko at suportang pampakatakaran, para mapalalim ang pag-uugnay ng Belt and Road Initiative (BRI) na iniharap ng Tsina para sa komong kasaganaan at pananaw na Global Maritime Axis (GMA) ng Indonesia, mapalawak ang pagpapalitang pantao at pangkultura ng Tsina’t Indonesia, at mapatatag ang pundasyong pantao ng relasyong Sino-Indones.

Ang seminar ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng Centre for Strategic and International Studies (CSIS), Tenggara Strategics, Universitas Prasetiya Mulya, at Jakarta Post. Lumahok at nagtalumpati rin ang mga opisyal at dalubhasang Tsino at Indones. Kabilang sa kanila ay sina Luhut Binsar Pandjaitan, Coordinating Minister for Maritime Affairs ng Indonesia; Xiao Qian, Embahador ng Tsina sa Indonesia; Djauhari Oratmangun, Embahador ng Indonesia sa Tsina; Thomas Trikasih Lembong, Tagapangulo ng Investment Coordinating Board ng Indonesia; Hassan Wirajuda, dating ministrong panlabas ng Indonesia; at Sjafrie sjamsoeddin, dating pangalawang ministrong pandepensa ng Indonesia; at iba pa.

Sa kanyang pananatili sa Indonesia, inanyayahan din si Propesora Sun na dumalaw sa Academy of Sciences ng Indonesia at University of Indonesia. Nagsagawa siya ng field research para mapasulong ang pag-aaral hinggil sa Indonesia ng BFSU, pagpapalitang pantao ng Tsina’t Indonesia, at magkasanib na pananaliksik ng BFSU at nasabing mga instituto at pamantasan ng Indonesia.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC