UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Opisyal ng UNESCO, dumalaw sa BFSU

发布时间:2019-05-16

Dumalaw sa Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU) si Hong Kwon, Direktor ng Bureau of Human Resources Management (HRM) ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), noong Nobyembre 28. Kinatagpo si G. Hong nina Wang Dinghua, Tagapangulo ng Konseho at Yan Guohua, Pangalawang Presidente ng BFSU.

Ipinahayag ni Wang na pinahahalagahan ng BFSU ang paghubog ng mga talento na may kaalamang Tsino at pananaw na pandaigdig, maalam sa mga alituntuning pandaigdig, matatas sa wikang-dayuhan at may kahusayang propesyonal, may kakayahan sa komunikasyong pang-cross-culture, at may kakayahang maglingkod sa mga organisasyong pandaigdig. Dagdag pa ni Wang, nakatuon ang Kolehiyo ng Relasyong Pandaigdig at Kolehiyo ng Organisasyong Pandaigdig ng BFSU sa paghubog sa mga talentong matatas sa pagsasalita ng higit sa isang wikang dayuhan at dalubhasa sa higit sa isang propesyon. Kaya, umaasa aniya ang BFSU na mapapahigpit ang ugnayan at pragmatikong pagtutulungan nila ng UNESCO.

Ipinahayag ni Yan ang hangarin ng BFSU na makipagtulungan sa UNESCO hinggil sa internship ng mga estudyante. Sabik aniyang lalagda ang dalawang panig sa kasunduan hinggil dito sa lalong madaling panahon.

Isinalaysay naman ni G. Hong ang hinggil sa HRM at estruktura ng UNESCO. Ipinahayag din niya ang paghanga sa BFSU sa pagsisilbi nitong modelo ng paghubog ng mga estudyante. Pinananabikan aniya ng UNESCO ang pakikipagtulungan sa BFSU.

Pagkatapos ng pagtatagpo, ipinaalam ni Hong sa mga estudyante ang hinggil sa oportunidad na makapagtrabaho sa UN, at sinagot ang mga tanong ng mga mag-aaral.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC