UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Presidente ng University of Applied Languages ng Alemanya, dumalaw sa BFSU

发布时间:2019-05-16

Dumalaw sa Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU) si Dr. Felix Mayer, Presidente ng University of Applied Languages ng Alemanya, noong Nobyembre 16. Kinatagpo si Dr. Mayer at ang kanyang entorahe ni Peng Long, Presidente ng BFSU. Ginawaran din ni Presidente Peng si Dr. Mayer ng sertipiko bilang propesor na pandangal ng BFSU.

Nagpahayag si Presidente Peng ng pasasalamat sa pagsuporta ng pamantasang Aleman sa BFSU sa loob ng mahabang panahon. Pinapurihan din ni Peng ang magkasanib na double-degree MA program sa pagpapakahulugan sa komperensya ng dalawang unibersidad. Umaasa aniya siyang mapapalawak pa ng dalawang pamantasan ang kooperasyon sa larangan ng pagsasalin at pagpapakahulugan at pag-aaral na Aleman, at madaragdagan ang mga magkasanib na programa sa agham pampulitika, ekonomika, at relasyong pandaigdig.

Pinasalamatan naman ni Presidente Mayer si Presidente Peng sa pagbibigay ng oportunidad na mag-lecture siya sa Departamentong Aleman para ibahagi sa mga guro at estudyante ng BFSU ang hinggil sa aplikasyon ng teknolohiya sa pagsasalin at pagpapakahulugan. Ipinahayag din niya ang pag-asang madaragdagan ng dalawang pamantasan ang kooperasyon sa paghubog sa mga guro at estudyante, at pananaliksik hinggil sa pagtuturo, at pagtutulungan sa ilalim ng balangkas ng Confucius Institute.

Ang University of Applied Languages ay bahagi ng makasaysayang Institute for Languages and Interpreting (SDI), at si Dr. Mayer ay nagsisilbi ring Direktor ng SDI München.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC