UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Rector ng PUCP, dumalaw sa BFSU

发布时间:2019-05-16

Dumalaw sa Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU) si Marcial Rubio Correa, Rector ng Pontifical Catholic University of Peru (PUCP), Oktubre 16, 2018. Kinatagpo si Rector Correa at ang kanyang entorahe ni Jia Dezhong, Pangalawang Presidente ng BFSU.

Isinalaysay ni Jia sa mga panauhin ang hinggil sa kasaysayan, mga disiplina, pagtuturo, pananaliksik na akademiko, at pagpapalitan at pagtutulungang pandaigdig ng unibersidad. Ipinahayag ni Jia na misyon ng BFSU na paglingkuran ang lipunan sa pamamagitan ng paghubog ng mga talento at pagsasagawa ng mga pananaliksik na akademiko. Bunga nito, nag-ambag din ang unibersidad sa Belt and Road Initiative (BRI) na iniharap ng Tsina para sa komong kasaganaan. Idinagdag pa ni Jia na ang Peru ay mahalagang bansa sa Latin America, at bilang primera klaseng pamantasan ng Peru, napaka-impluwensyal ng PUCP sa rehiyon. Umaasa aniya ang BFSU na mapapahigpit ng dalawang pamantasan ang pag-uunawaan at pagpapalitan, at mahahanap ang posibilidad ng pagtutulungan sa pagtuturo at larangang akademiko para masimulan ang komprehensibong pragmatikong kooperasyon na gaya ng pagpapalitan ng mga mag-aaral, magkasamang paghubog ng mga talento at magkasamang pagbubukas ng paaralan.

Isinalaysay naman ni Rector Correa ang hinggil sa kayarian ng mga paaralaan at departamento, katangian ng mga programa at bilang ng mga estudyante ng PUCP. Aniya, pinahahalagahan ng PUCP ang paghubog sa mga estudyante tungo sa pagkakaroon ng pandaigdig na pananaw at pag-aaral hinggil sa mga kulturang dayuhan kasabay ng pagkakaroon ng lubos na unawa sa sariling kultura. Umaasa aniya siyang maitatatag ng PUCP ang pragmatikong relasyong pangkooperasyon sa BFSU at magagamit itong batayan para ibayo pang mapalawak ang kanilang pagtutulungan sa iba’t ibang larangan at mapasulong ang pagkakatuto sa isa’t isa ng mga kulturang Tsino at Latino-Amerikano. Inaasahan ni Rector Correa na lalagda ang dalawang unibersidad sa kasunduan ng pagpapalitan at pagtutulungan para maglatag ng pundasyon sa pagpapalitan ng mga guro, pagkilala sa mga kredito, at magkasamang pagtataguyod ng mga aktibidad na akademiko.

Ang PUCP na itinatag sa Lima noong 1917 ay nahahanay sa unang puwesto sa 20 pinakamagaling na pamantasan ng Peru. Ito rin aniya ang tanging pamantasan ng Peru na nakalista sa 700 nangungunang unibersidad ng daigdig ayon sa QS World University Rankings. Ngayong 2018, ang PUCP ay nasa ika-18 puwesto sa pinakamahusay na pamantasan ng Latin-America. Sa kasalukuyan, ang PUCP ay binubuo ng mga Departamento ng Inhenyeriya, Departamento ng Abogasya, Departamento ng Araling Panlipunan, Departamento ng Humanidaded, Departamento ng Komunikasyon, Departamento ng Sining at Disenyo, Departamento ng Edukasyon, Departamento ng Artitektura at iba pa.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC